Dina Bonnevie says she will never join politics despite being a politician's wife

Dina Bonnevie on maintaining fit and healthy body after all these years: “Maintain pa naman kahit papaano, di ba? Balance pa naman yung katawan. Hindi naman yung mataba sa isang part, payat sa isang part. Di ba, parang you miss those days na you were energetic, that thin and that flexible. Yun, nakaka-miss.”


Ayaw raw pasukin ni Dina Bonnevie ang mundo ng pulitika kahit pa nga ang asawa niya ngayon ay isang pulitiko—si Ilocos Sur Vice Governor Deogracias Victor “DV” Savellano.

Tila nakadagdag pa raw ng dahilan sa pag-iisip niyang ito ang kanyang role na ginagampanan ngayon sa bagong primetime teleserye ng GMA Network, ang Beautiful Strangers, na magsisimulang umere sa Agosto 10.

Siya ang powerful at manipulative na si Alejandra, na nagmula sa angkan ng mga pulitiko at eventually ay magiging isa ring pulitiko.

Sabi nga ni Dina, “Ayoko [maging pulitiko], ang hirap.

“Dito pa lang sa role, e, nakikita ko na ang hirap palang maging pulitiko.

“At saka, di ba, sa SONA [State of the Nation Address], nakita mo na, kailangan mong mag-report.

“Tapos, di ba, hindi naman lahat ng tao mapi-please mo?

“Kahit halimbawa gusto mong gumawa nang tama, kung yung nasa paligid mo baluktot, ang hirap.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Dina sa prescon ng Beautiful Strangers kagabi, Hulyo 28, sa Studio 6 ng GMA Network.

ON THE SIDE OF HER HUSBAND. Bilang asawa ng Vice Governor, ano ang kadalasang role niya kapag nasa Ilocos Sur sila?

Ayon kay Dina, “Usually, iyon, the role of the wife of the vice governor… ako naman yung nasa side.

“Siya yung starring, ako naman yung supporting actress.

“So, parang siya pupunta siya, tapos I attend. Kadalasan, we sit together.

“Pero nahihirapan ako kapag ano… political life kasi, minsan hanggang 4 o’clock ng umaga, naghihintay ka bago koronohan yung whoever—reyna or prinsesa, whatever.

“Alas-kuwatro na, hindi pa kinokoronahan, parang, ‘Ano ba naman, koronohan n’yo na, utang na loob!’

“Sasabihin ko nga, ‘Utang na loob naman, koronahan n’yo na yung bata. This is child abuse. Alas-kuwatro na, hindi pa nakokoronahan.’

“‘Bakit ba kayo nagmamadali, Mrs. Savellano?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'E, kasi naman antok na antok na ako!'

“At least, sabi ko, ‘Sa showbiz pag inabot ako ng 4 [A.M.], may bayad ako, dito wala.’

“Nakakaloka!” pabirong kuwento ni Dina.

Pero lagi naman daw niyang sinusuportahan ang lahat ng projects at activities ng kanyang asawa.

Hindi ba nagkakaroon ng conflict sa kanilang mag-asawa pagdating sa oras, lalo na kapag may trabaho siya sa showbiz?

Saad ng award-winning actress, “Hindi naman, very understanding naman siya.

“Pag mahaba naman yung time na wala akong taping, I go home [sa Ilocos Sur].

“Pag halimbawa, pag four days, five days na walang taping, I go home.”

HER ROLE AS A POLITICIAN. Ibang-iba raw ang karanasan ni Dina sa kanyang role bilang politician sa Beautiful Strangers kumpara sa nararanasan niya bilang asawa ng isang pulitiko sa totoong buhay.

Saad niya, “Kakaiba, kasi ngayon my husband is a politician, he’s the vice governor of Ilocos Sur.

“Dito ako naninibago kasi, kumbaga sa life ko in real life, hindi naman naglilinis ng whatever baho, or yung para bang damage control na kailangan lilinisin mo yung kalat or bahong ginawa ng asawa mo.

“Baligtad dito, yung role ko, yun ang ginagawa ko.

“Sabi ko, ganito ba yung bad side ng politics, na I haven’t experienced.

“Kumbaga, nae-experience ko dito lang sa role ko.”

In a way, nakaka-relate daw si Dina sa role niya.

“Medyo, kasi nga parang she belongs to a political family, e.

“Pero ang difference lang, in real life, I’m not a politician, yung asawa ko.

“Dito [Beautiful Strangers], ako yung magiging politician.”

WORKING WITH BOYET & THE REST OF THE CAST. Kaagad daw tinanggap ni Dina ang teleseryeng Beautiful Strangers nang malaman kung sinu-sino ang mga makakasama niya sa cast.

Kuwento ng dating Regal baby, “Actually, noong una pa lang sinabi sa akin na ang makakasama ko ay sina Christopher de Leon, Heart Evangelista, and Lovi Poe, yes kaagad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko na muna tinanong yung story, yes kasi maganda yung cast, powerhouse cast.

“So, I was so happy nung sinabi pa na yung ibang gaganap, sina Lovely Rivero, Ayen [Munji-Laurel].

"And there’s Rocco Nacino… I’ve never worked with him, and Benjamin Alves.

"So, I was really happy.

“But basically, I was excited to work with Heart again.

“Last kaming nag-work together sa Hiram [sa ABS-CBN noong 2004-2005].

“With Christopher de Leon, this is our first soap that we’re gonna do together, and with Lovi also.

“Hindi pa kami nag-soap ni Boyet kahit kailan.”

Kumusta naman ang first soap nila ni Boyet?

“Okay naman, siyempre kakaiba dahil may kasama kang mga batang artista, like Lovi and Rocco Nacino, and all the others.

“Siyempre kay Lovi, kay Heart, hindi na ako nanibago.

“But it was an interesting change dahil, all of a sudden, iba yung cast.”

Ano ang masasabi niya sa pakikipagtrabaho sa younger cast members?

“Nakakatuwa, kasi you feel young again.”

Bakit, pakiramdam niya ba ay matanda na siya?

Sagot ng 53-year-old actress, “Minsan kasi pag nakikita ko na noon ganyan ang katawan ko [kina Heart at Lovi], mas payat pa diyan.

“Pero ngayon, di ba, nagwo-workout ka nang nagwo-workout.

“Although, ano pa rin… kumbaga, maintain pa naman kahit papaano, di ba?

“Balance pa naman yung katawan. Hindi naman yung mataba sa isang part, payat sa isang part.

“Di ba, parang you miss those days na you were energetic, that thin and that flexible.

“Yun, nakaka-miss.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN