Dina Bonnevie not wishing for another child: “Mas bata pa yung anak ko kaysa sa mga apo ko, parang ang panget!”

Dina Bonnevie on her children's relationship with her husband Ilocos Sur Vice Governor DV Savellano: “Okay naman, love naman nila. Natutuwa naman sila, ang tawag nila Tito DV. Natutuwa naman sila kasi nakikita nila na masaya ako.”


Hindi na raw umaasa si Dina Bonnevie na magkakaroon pa sila ng anak ng politician husband niyang si Ilocos Sur Vice Governor Deogracias Victor “DV” Savellano dahil daw sa kanyang edad.

“Ang tanda ko na para magkaanak pa. Hindi na, I’m 53.

“When we got married [in March 2012], I was 50.

“Parang hindi ko naman ma-imagine na yung anak ko, mas bata pa sa mga anak ni Danica at ni Oyo!

“Mas bata pa yung anak ko kaysa sa mga apo ko, parang ang panget!” bulalas ni Dina.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Dina sa presscon ng Beautiful Strangers noong Hulyo 28, Martes, sa Studio 6 ng GMA Network.

Kabilang si Dina sa cast ng naturang bagong primetime teleserye ng GMA, na magsisimulang umere sa Agosto 10.

Niloko nga raw niya ang panganay na anak na si Danica Sotto-Pingris tungkol sa pagkakaroon niya ng anak.

“Sabi ko, ‘Danica, I’m pregnant!’

“Sabi niya, ‘Ha?! Yuck, Mommy, talaga? Ano ba? Talaga, nag-baby ka pa, alam mong mas bata pa yung anak mo kaysa sa mga anak ko.’

“Sabi ko, ‘Luka-luka, nagbibiro lang ako!’”

HAPPY LOLA. May lima nang apo si Dina—dalawa kay Danica at sa mister nitong si Marc Pingris; at tatlo naman kay Oyo at sa misis nitong si Kristine Hermosa.

Masaya at kuntento na raw si Dina sa pagiging lola niya.

“Happy lola ako. Nakakatuwa yung mga apo ko.”

Dinadala ba nina Danica ot Oyo ang mga bata sa kanya?

“I go there [sa kanila]. Pag Sunday, we usually go to church together.

“Minsan dinadala sa bahay, pero most of the time, ako ang nagpupunta sa kanila.”

LIFE IN ILOCOS SUR. Bagamat may bahay dito sa Manila si Dina, mas madalas naman daw siyang nasa Ilocos Sur dahil nga sa kanyang asawa.

“Pag wala akong soap, pag hindi ako nagpa-project sa showbiz, I stay in Ilocos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, maybe I stay there for a month or two.

“Tapos pag biglang may project na naman, balik na ako sa Manila.”

Kumusta ang buhay sa Ilocos?

Ayon kay Dina, “Actually, masarap ang buhay sa probinsiya.

“Masarap din paminsan-minsan yung laidback, parang nasa resort ka lang, naglalakad ka sa beach. Tapos kain ka.

“May resort kasi kami, e.

“So, from the house, ten minutes lang, I go to the resort.

“You can relax in the afternoon. Tapos swimming ka.”

HER CHILDREN BONDS WITH HER HUSBAND. Sina Oyo at Danica ba nakakasama nilang mag-asawa?

Sabi ni Dina, “Actually, ilang beses na silang nagpunta ng Ilocos with the kids. Nakakasama ko sila palagi.”

Nagba-bonding din daw sila kasama ang asawa niya.

“Yeah, pag Sunday na kasama ko sila, kasama ko rin yung husband ko na nagla-lunch kami together or dinner, ganun.”

Kumusta naman ang relationship ng mga anak niya sa husband niya ngayon?

“Okay naman, love naman nila.

“Natutuwa naman sila, ang tawag nila Tito DV.

“Natutuwa naman sila kasi nakikita nila na masaya ako,” pahayag ni Dina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN