Carmina Villarroel on her staying power: "I may not be a superstar, but I am still here and the people know me."

Carmina Villarroel on enjoying her showbiz career: "I just love my job. Wala akong ibang gustong gawin kundi ito. Ewan ko... dito na siguro ako [tatanda]. I want to be like Tita Gloria Romero na nandito pa rin sa industriya."


Ang pamilya raw ni Carmina Villarroel ang una niyang kinukunsidera, higit sa kanyang endorsements, bago tanggapin ang isang role.

Sabi ng aktres, "Iniisip ko yung family, yung mga anak ko [Mavy and Cassy], si Zoren [Legaspi, her husband].

"Pag okey sa kanila, kung hindi naman naaapektuhan yung mga anak ko...

"Nag-uusap naman kami nina Tita Dolor [Guevarra, her manager] kung hanggang saan ang kakayahan ko.

"Basta kung magku-kontrabida ako, ayaw ko yung pumapatay.

"Kahit paano, tinitingnan pa rin ako na role model."

Dagdag ni Carmina, na gumaganap na kontrabida sa ABS-CBN primetime series na Bridges of Love, "Saka hindi ako nagpapaalam sa mga endorsements ko, kasi they know this is just my role.

"Pero yung pagkukontrabida, kailangan ko munang malaman yung story.

"Hindi naman puwedeng masama ka lang tao."

Wala bang pagkakataong tinatawag ang atensiyon ng isang endorsement ang atensiyon niya dahil sa role na kanyang ginagampanan?

"Wala naman. In fact, they're happy naman, 'You’re good as a kontrabida.'

"It's just a role. Kumbaga, they know me kung sino ako as a wife, as mother, as person.

"Saka matatalino naman ang mga tao ngayon na role lang talaga."

Masusundan ba uli ang pagpu-portray ni Carmina ng kontrabida role o magpapahinga muna siya rito?

Sambit ng aktres, "Yun ang hindi ko masasagot.

"Ako, gusto ko sana... o sana hindi.

"Pero okey lang for as long as I know where the role is coming from.

"Kasi kung meron naman talagang pinanggalingan at ma-justify sa istorya, at pinanood mo, 'A, naiintindihan ko siya kung bakit siya ganyan...' puwede.

"Kasi tayong lahat, because we don't live in a perfect world, kahit ikaw kontrabida ka rin sa buhay ni ganito.

"Hindi mo naman pinaplano na, 'Ay, babalikan kita...' wala naman.

"It's just that minsan, tayo talaga, nakaanuhan na natin na, 'Ay, naku, hindi!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kung lahat tayo harmonious ang relationship, e, di napaka-perfect na talaga."

STAYING POWER. Ano ang sikreto ni Carmina at aktibo active pa rin siya sa showbiz at na-reinvent niya ang kanyang sarili, hindi lang ang showbiz career niya kundi pati sarili niya?

Saad niya, "Siguro maybe because the people around me see how dedicated I am to my work.

"I'm very professional with my work na hindi ako pasaway.

"Maybe they see yung love and dedication ko sa trabaho.

"Kasi, yun lang ang puwede kong maisip pag looking back and I'm asking myself why I'm still here.

"I may not be a superstar, but I am still here and the people know me.

"Siguro nakikita nila how passionate I am with my craft.

"Bawat role na ginagawa ko, I give my all.

"Nakikita nila kung paano ko ginagawa yung character ko, because I talk to the writers, my directors.

"Yung may care. Hindi lang yung, 'Ganyan ba? Sige, gagawin ko na.'

"Sa akin, hindi pera-pera. Its really hard work for me."

Bakit sa palagay ni Carmina ay hindi nasira ang image niya sa kabila ng mga pinagdaanan niyang isyu noon?

"Siguro kasi wala naman akong inapakang tao.

"Kung may nasaktan man ako, hindi ko naman sinasadya.

"Pero yung literal na sinadya kong manapak or makasakit ng tao, wala.

"And maybe rin kasi, I'm very honest with you guys and to everybody na, yes, this is what happened to me.

"Kumbaga, my life is an open book.

"Wala akong pretentions na, 'Oh, my God, sana hindi ganyan, hindi ganun.'

"Hindi rin naman ako nagbuhat ng bangko, wala naman akong siniraan, pinuri ang sarili ko... wala, e.

"I just love my job. Wala akong ibang gustong gawin kundi ito.

"Ewan ko... dito na siguro ako [tatanda].

"I want to be like Tita Gloria Romero na nandito pa rin sa industriya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN