Vina Morales not pushing her daughter to enter showbiz

Vina Morales on being in show business for almost three decades: "It’s been a long time, more than half of my life, nasa showbiz ako. I’m blessed and thankful na until now, nasa showbiz pa rin sila. Siguro it’s because I love what I do. Ang importante siguro, yung mahalin mo ang trabaho mo."


Kahit na anim na taong gulang pa lamang ang anak ni Vina Morales ang anak na si Ceana, nakikitaan na raw niya ito ng husay sa pag-awit ang anak.

Katulad niya na bata pa lamang noon, talagang kumakanta na kaya masasabing nagmana ito sa kanya.

Sabi ang Kapamilya actress-singer sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Almost buong buhay ko, kumakanta na ako.

"Eight years old, nine years old, kumakanta na ako, kaya alam ko kung nasa tono ang anak ko.”

Pero sa ngayon, ayaw raw munang i-push ni Vina ang anak sa direksiyon na katulad ng tinahak niya noon.

“Hindi ko masyadong pinu-push.

"Kasi ako nag-umpisa... bata pa lang ako, kumakanta na ako, nagtrabaho na ako. Medyo nakakapagod.

"But, you know, I’m always thankful and blessed na, at least, as early as eight years old, alam ko kung ano ang gusto kong patunguhan sa buhay ko, maging singer, maging artista.

“For now, hindi pa niya [Ceana] alam. E, six years old pa lang naman.

"Alam ko na mahilig siya sa music, but when I asked her... well, mahiyain ang anak ko."

Papayagan ba niya ang anak na mag-artista rin kahit alam niya kung gaano katindi ang mga intriga na puwede nitong maranasan?

Pahayag ni Vina, “Hindi yun, e… oo, intriga, especially ano...

"Pero at her age, parang hindi ko kakayanin na mapupuyat yung anak ko.

"Alam ko na hirap na hirap ako noon. Dyusko, as in kanta, tatayo na lang ako, kakanta ako.

"Umarte ka, iyak, tawa... ‘di ba?

“So, at the age of nine, ginagawa ko na yun—kanta, tawa, iyak.

"Sasabihin ng director, so parang nakakapagod yun para sa anak ko."

SCARED FOR DAUGHTER. Bilang isang ina, nakakaramdam din ba ng takot si Vina para sa anak dahil sa mga nangyayaring hindi maganda sa ilang kabataan?

“I am scared kasi babae rin ang anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I know, she’ll go through a lot of things.

"Hindi ko lang alam... I just pray hard.

"I pray harder every day na sana, lahat ng trials na pupuntahan niya, makakabangon siya, and she will be strong enough to handle the things kung anuman ang mga trials na darating.”

Paano niya maiiwas ang anak sa mga ganoong senaryo?

Sabi ni Vina, “Hindi natin maiiwasan, e, yung mga pangyayari sa buhay natin.

"Alam ko na marami siyang mga hugot na pagdadaanan, but I just have to make sure that I will always be there for her."

TRAINING GROUND. Marami rin ba siyang pinagdaanan noong kabataan niya?

“Oo naman, ang daming hugot,” nakangiting pangsang-ayon niya.

“And I think," dagdag ni Vina, "magiging matatag ka pagdating diyan.

"Ang importante kasi, kahit na anong pinagdadaanan mo, basta nandiyan ang pamilya mo to support you and to love you, kahit na gaano kahirap ‘yan, I think it will not end up na ending up your life or whatever or mawalan ka ng pag-asa sa buhay.

“Kasi kung nandiyan sila, marami naman ang nagmamahal, mararamdaman at mararamdaman yun.”


Masasabi bang naging training ground na rin ni Vina ang showbiz sa pagiging ate niya kay Shaina Magdayao?

Saad niya, “Ganun talaga ang kapatid. You have to watch over your sister.

"Nagkataon lang na... and she watched over me.

"Dyusko, ‘pag ano, 'Ate, ayan ka na naman!' O ‘di ba?

“Pareho lang naman yata at ganun talaga ang magkakapatid.

"And I’m sure she’s thankful to that, kasi ako, I’m more thankful if they correct me."

THREE DECADES. Natawa naman si Vina nang tanungin namin kung ilang taon na rin siya sa showbiz.

Mabubuko raw kasi kung ilang taon na siya.

Sa 2016 ay magdiriwang na si Vina ng kanyang 30thanniversary sa showbiz.

At sa loob ng tatlong dekada, isa pa rin siya sa mga aktibo sa pag-arte, lalo na sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Biruin mo, since I was eight, I was singing and acting already.

"It’s been a long time, more than half of my life, nasa showbiz ako.

"I’m blessed and thankful na until now, nasa showbiz pa rin sila.

“Siguro it’s because I love what I do.

“Ang importante siguro, yung mahalin mo ang trabaho mo.”

Ilan sa mga naging kasabayan ni Vina noon sina Donna Cruz, Carmina Villarroel, Gelli de Belen, at Ruffa Gutierrez.

“Sila yung mga ka-group ko. Ngayon, ang mga ka-group ko, sina Jane [Oineza], sina Loisa [Andalio], ang cute!” natatawang pagbanggit ni Vina sa mga kasamahan niya sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN