Ai-Ai delas Alas reveals Jiro Manio's Japanese dad has been found

Sa tulong ng ilang mga kaibigan ni Ai-Ai delas Alas sa Japan, natunton na raw nila ang kinaroroonan ng biological father ni Jiro Manio. Pero ayon kay Ai-Ai, “Hindi pa lang namin makausap kasi, the father, may family. Siyempre, isipin din muna natin yung kalagayan din nung kabilang side.”


Ibinalita ni Ai-Ai delas Alas na nahanap na nila ang Japanese biological father ni Jiro Manio sa Japan.

Si Ai-Ai ang isa sa masigasig na tumutulong ngayon kay Jiro matapos matagpuang nagpapalaboy-laboy ang dating child star sa NAIA Terminal 3 noong nakaraang buwan.

Sa kasalukuyan ay nasa isang wellness facility si Jiro at doon nagpapagaling.

Sa panayam ni Ai-Ai sa GMA News ay nabanggit nga nitong hanap na nila ang biological father ni Jiro.

“Yung mga friends ko from Japan ang hiningan ko ng tulong.

“Actually, nahanap na siya.

“Hindi pa lang namin makausap kasi, the father, may family.

“Siyempre, isipin din muna natin yung kalagayan din nung kabilang side.”

Sinabi na raw ito ni Ai-Ai kay Jiro. Pero gusto niyang unawin ni Jiro ang sitwasyon ng kanyang biological father sa Japan.

Hindi raw sila basta na lang magpapakita rito dahil may pamilya nga ito doon.

“Pinaintindi ko naman kay Jiro. Nakakatuwa kasi nakikinig naman siya.

“Naintindihan niya kung saan kami dapat magsimula,” sabi ni Ai-Ai.

JIRO’S GUARDIAN. Si Ai-Ai ang tumatayong guardian ngayon ni Jiro at wala naman daw problema sa adoptive father ng young actor si Andrew Manio.

“Sinabi ko naman din kay daddy niya na kung ayaw niya muna ng away-away o mga kaguluhan, puwedeng ako na po muna.

“Okay naman po sa daddy.

“Sabi nga ni Daddy, e, ‘Pag talaga pong ayaw na niya, puwede po bang ampunin n’yo na si Jiro?’

“Sagot ko naman, ‘Oo naman, siyempre naman.’ Welcome naman.”

Wala rin naman daw magiging problema sa mga anak ni Ai-Ai dahil parang kapatid na rin ang turing nila kay Jiro.

“Alam din naman po ng mga bata kung ano ang desisyon ko, e.

“At lahat po sila tumutulong sa akin, especially si Sancho, supportive naman silang lahat,” sabi ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN