Young JV looks up to Vice Ganda: "Yung pinagdaanan niya sa buhay, yung bigat na pinagdaanan niya, I see him as very inspirational."

Young JV on how he convinced Vice Ganda to sing an inspirational cut in his: "Pumunta ako sa dressing room niya, ipinarinig ko yung song. Luckily, oo, [pumayag siya] kasi nagustuhan niya yung kanta..."


Itinuturing ni Young JV na highlight ng kanyang singing career ang pagpayag ni Vice Ganda na makipag-collaborate sa kanya sa isang cut ng latest album niyang YJV ng Doin' It Big Productions.

Kuwento ng Kapamilya singer, "Yes, it's called 'PasaDiyos.' It's a very inspirational song.

"Sobrang nagandahan siya [Vice Ganda] sa kanta. Kaya, Vice, salamat talaga sa suporta.

"I did the rap and singing part, and si Vice sings din.

"Haping-happy talaga ako na pumayag siya."

Paano ba nangyari ang collaboration nila? Close ba sila?

Sabi ni Young JV, "Kami ni Vice, nag-uusap kami, okay naman kami ni Vice.

"Gusto ko kasi yung show ni Vice.

"Kasi yung pinagdaanan niya sa buhay, yung bigat na pinagdaanan niya, I see him as very inspirational.

"Sa isang tao kasi na may pinagdaanan sa buhay, mas influential siya sa tao.

"Hindi kami that close na yung lalabas o gigimik."

Kuwento pa niya, "Pumunta ako sa dressing room niya, ipinarinig ko yung song.

"Luckily, oo, [pumayag siya], kasi nagustuhan niya yung kanta... yung kahit anong hirap ng buhay, merong Diyos."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment media si Young JV sa celebration ng kanyang 25th birthday, noong July 25, sa AFP Hall, Camp Aguinaldo, Quezon City.

Pero ang totoong araw ng birthday ni Young JV ay noong July 23.

ATTITUDE TOWARDS GAYS. Hindi ba siya nag-aalala na ma-link kay Vice at isiping siya ang "mystery boyfriend" nito?

Natawang sagot ni Young JV, "Hindi naman. Ba't meron ba siyang mystery boyfriend ngayon?

"Hindi ko alam yun. Ang alam ko dati, yung may basketball player.

"Pero ngayon, wala na."

Paano kung silang dalawa naman ni Vice ang pagtsismisan?

Diin ng singer-songwriter, "Tsismis will always be tsismis.

"Okay lang 'yan, open ako.

"Wala akong... very comfortable ako.

"We're all people, at saka may friends ako [na homosexuals].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akong ganyan. Kasi, I’m surrounded by them... makeup artist ko nga [gay].

"At saka nung gumawa ako ng Flordeliza, nag-guest ako for two weeks.

"Sina Direk Wenn [Deramas, director of the series], kuwela.

"So, nasanay na rin siguro ako sa environment."

FOUNDATION FOR FALLEN SOLDIERS’ CHILDREN. Sa puntong ito, napag-usapan namin ang birthday activity ni Young JV, kung saan hinandugan niya ng mga kanta ang beneficiaries ng kanyang The Hero Foundation, na sumusuporta sa mga anak ng mga militar na nasawi sa sagupaan.

Pinapag-aral ng The Hero Foundation ang mga bata mula elementary, high school, hanggang college.

Pagkatapos ng maliit na programa, hinandugan din ng mga bata si Young JV ng regalo, at sumama ang singer-actor sa boodle fight.

Pahayag ni Young JV, "I've been supporting them for four, five years.

"Meron kasi kaming activities para sa mga kabataan, yearly po 'yan. Nagpapa-basketball kami, nagku-concert.

"Ito ang kailangan kong gawin dahil bilang isang anak ng sundalo rin, ito ang ginagawa ko of giving back.

"Ito rin ang paraan ko to feel good for myself kasi.

"And this is my way para ma-boost ang morale nila, at para sa kanilng future."

Ang ama ni Young JV ay si Col. Red Kapunan, dating miyembro ng Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa o RAM group ni Senator Gringo Honasan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN