Lorna Tolentino closes door on love: “I’m 53 years old. Kung mga 40-something, baka puwede pa.”

Nakikita raw ni Lorna Tolentino ang kanyang sarili na tatandang walang katuwang ang puso niya. Wala na rin daw nagparamdam sa kanya sa ngayon. Sabi ng aktres, “Tapos na, tapos na yung mga nagpahaging, wala na. Meron na silang kanya-kanyang pinahaginan na iba.”


Pitong taon nang biyuda ang Grandslam Queen na si Lorna Tolentino, pero hindi na raw sumasagi sa isip niya ang magkaroon pa ng bagong pag-ibig.

Biro pa ng aktres, “I’m 53 years old. Kung mga forty-something, baka puwede pa.”

May mga nagpapahaging o nagpapahiwatig pa ba sa kanya ngayon?

Humahalakhak na sagot ni Lorna, “Tapos na, tapos na yung mga nagpahaging, wala na.

“Meron na silang kanya-kanyang pinahaginan na iba!”

Nakikita ba niya ang sarili na tatandang walang kaagapay ang puso?

“Yeah. Misterless? Yeah!” mabilis na sagot ni Lorna.

Inamin din ni Lorna na hindi pa siya totally nakakapag-move on mula sa pagpanaw ng asawa niyang si Rudy Fernandez noong June 2008.

“Seven years na. Adjusting pa din, minsan meron kang hahanapin, e,” sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Lorna sa grand presscon ng bagong TV5 sitcom na Misterless Misis, noong Martes, July 28.

FARMER LORNA. Bukod sa kanyang TV appearances, abala rin si Lorna sa pagma-manage ng kanilang farm sa Batangas.

Aniya, “Ngayon ko pa lang ini-enjoy, sabi ko nga, ‘Ay, ang sarap naman pala pag may prutas ka.’”

Pero parang form of relaxation na lang daw sa kanya ang pamamalagi sa farm dalawang beses sa loob ng isang buwan.

Saad niya, “Ako, sumusuko ako sa farming, kasi pag farmer ka, wala ka namang kita, e.

“Hindi nga siya pangkabuhayan, e.

"Nag-try kami ng pangkabuhayan, pero palpak, natalo.

“Kamatis, talong, pineapple, papaya... lahat yun, talo.”

Pinag-iisipan na rin daw ni Lorna na ibenta ito kapag nalulugi, pero habang hindi pa ay imi-maintain muna niya.

MISTERLESS MISIS. Mula sa paggawa ng mga bigating drama sa telebisyon, bakit isang sitcom ang napili niyang proyekto ngayon?

Sagot ni Lorna, “Para magaan.

"After ilang taong drama-drama, wini-wish ko na magkaroon ako ng sitcom."

Paano siya nag-adjust from drama to comedy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman, kasi ma-punchline naman talaga akong tao.

“Magaan kasi yung trabaho namin, kasi minsan kapag kami mag-eeksena, parang lahat talaga pag in character, ang gaan.

“Lahat kabisado na nila, e. Nakakatuwa.

"Kapag off-cam, tsismisan naman, kami-kami lang naman."

Sa Misterless Misis, gagampanan ni Lorna ang papel ni Jenny, isang career-oriented woman, single, at jaded na sa pag-ibig.

Kasama niya rito sina Ruffa Gutierrez, Gelli de Belen, Ritz Azul, Mitch Valdes, at ang baguhang si Andie Gomez.

Magsisimula itong umere sa August 9.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN