NBA star Stephen Curry follows Daniel Padilla on Twitter

Napa-"OMG!" ang Teen King na si Daniel Padilla sa pag-follow sa kanya sa Twitter ng hinahangaan nitong NBA basketball star na si Stephen Curry ng Golden State Warriors.


Napa-"OMG" (Oh my God!) status ang Kapamilya Teen King na si Daniel Padilla sa Twitter pagkatapos siyang i-follow ng sikat na NBA player na si Stephen Curry.

OMG

— Daniel Padilla (@imdanielpadilla) July 30, 2015

Isa sa mga unang makikita sa homepage ng Twitter account ni Curry ay ang cover photo ng Twitter account ni Daniel na nagsasabing "following."

Ibig sabihin ay isa lamang si Daniel sa mahigit 300 Twitter users na pina-follow ng star player ng Golden State Warriors.

Maging si Kathryn Bernardo, ang ka-loveteam at rumored girlfriend ni Daniel, ay tila nag-status tungkol dito sa kanyang “luckiest fanboy” tweet.

LUCKIEST FANBOY!!!!!!!! Hahahaha

— KATH (@bernardokath) July 30, 2015

Paboritong sport ni Daniel ang basketball at hindi naman niya itinatago na fan din siya ni Curry, 2015 Most Valuable Player (MVP) at two-time NBA All-Star.

Nag-post naman ang ina ni Daniel na si Karla Estrada sa Instagram ng photo ng young actor na nakangiti.

Sinabi pa ni Karla sa caption na tuwang-tuwa siya dahil nag-follow nga si Curry sa kanyang anak.

Nagpasalamat si Karla at tinag pa ang American basketball player.

Sa Instagram post ng isang sports shoe store nitong Miyerkules, July 29, ipinost ang larawan ni Daniel na hawak-hawak ang sapatos na Under Armour Curry 1, isa sa mga edition na signature shoes ni Curry.

Si Curry ay isa sa endorsers ng nasabing sneakers brand.

Sa nasabing larawan ay suot din ni Daniel ang Golden State Warrior T-shirt at cap.

May mga nag-comment pa at tinawag na “fan boy” at “Stephen Curry fan” si Daniel.

Bukod kay Daniel, ang isa pang celebrity fan ng American basketball player ay ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Noong nakaraang March, pinadalhan pa ni Curry si Manny ng isang autographed jersey nito.

Nanood din ng isang game ni Curry ang dalawang anak na lalaki ni Manny na sina Jimuel at Michael at nakapagpa-picture kasama ang NBA player.

Jimuel and Michael meets Stephen Curry. God is great.❤️❤️❤️

A photo posted by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) onApr 1, 2015 at 7:38pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN