Christopher de Leon thankful for recovery of son Miguel and wife Sandy

Christopher de Leon on being a parent: "Yung pagiging magulang, hindi humihinto 'yan, e. I will still and always think of my children. Yung concern ko sa kanila will still be there hanggang sa tumanda na ako."


Masayang ibinalita ni Christopher de Leon na magaling na ang anak nila ni Sandy Andolong na si Miguel, na na-diagnose na may testicular cancer at naratay sa isang ospital sa San Francisco.

Mag-iisang taon na ang nakalipas nang humingi ng panalangin ang mag-asawa sa kanilang mga kaibigan para sa mabilis na paggaling ng pangalawa nilang anak.

Read: Christopher de Leon and Sandy Andolong's son diagnosed with testicular cancer

Si Miguel ang ikalawa sa limang anak nina Boyet at Sandy; ang iba ay sina Gabriel, Mariel, Sandino, at Michaela.

Pahayag ni Christopher, “Yung pagiging magulang, hindi humihinto 'yan, e.

"I will still and always think of my children.

"Yung concern ko sa kanila will still be there hanggang sa tumanda na ako."

Nabanggit din ng multi-awarded actor na babalik ng Pilipinas si Miguel sa Agosto para magbakasyon.

“Kasi right now, he’s recuperating, kasi he’s healed already, e.

"Kunin na nila yung anak nila," pagtukoy ni Christopher sa kanyang apo, na nakatira sa kanila ni Sandy dito sa Pilipinas.

Sinabi rin ng veteran actor na babalik na sa trabaho Miguel kapag bumalik ito sa Amerika, kung saan siya naka-base.


SANDY'S RECOVERY. Masaya ring ibinalita ni Christopher na pati ang kanyang misis na si Sandy ay ligtas na sa problemang kalusugan matapos itong maoperahan noong nakaraang taon dahil sa karamdaman nito sa kidney.

“Sandy is doing very well. God is good, always been good,” ani Boyet.

Nagpasalamat naman ang premyadong aktor sa press dahil nagkaroon siya ng paraan upang maipahayag ang mga bagay na bumabagabag sa kanya noon.

“Without you, I guess, hindi na-declare yung kabutihan ng Diyos sa amin,” sabi ni Christopher.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN