Heart Evangelista calls Marian Rivera fans “very bad”

Hangga't maaari ay ayaw na raw ni Heart Evangelista na maikumpara sa kapwa Kapuso at nakaalitang si Marian Rivera dahil ayaw niyang ma-bash ng fans nitong “very bad.” Nanawagan din si Heart sa kanyang mga tagahanga na huwag tularan ang mga tagahanga ni Marian.


Umiiwas na si Heart Evangelista na maikumpara sa kapwa niya Kapuso star na si Marian Rivera dahil ayaw na raw niyang ma-bash ng fans ng huli.

Sa kanyang Instagram kahapon, July 30, ay nag-post si Heart ng isang larawan kasama ang kanyang asong si Princess Panda.

Caption dito ng actress-TV host: "Look who's with me today💛💛💛 #princesspanda"

Bagamat walang anumang binabanggit si Heart, may isang follower niya, @pink_minicooper, ang nag-comment ng ganito: “Ur way better than Marian!”

Kaagad namang sumagot ang Beautiful Strangers star.

Sabi ni Heart: “@pink_minicooper thank you but let’s not start with that her fans are very bad and I don’t wanna get bashed. thank you.”

Tugon ng naturang follower sa kanya: “Oh! I’m so sorry… Love you.”

Sabi naman ni Heart: “@pink_minicooper thanks ok just making iwas.”

“NO TO NEGA.” Isa pang follower ni Heart, na may user name na @henoshchonlein88, ang nagkomento ng ganito: “Good to know @iamhearte that umiiwas ka s mga issues n ganyan.. but I guess they will not like how u describe them in ur comment above.”

Sagot naman dito ng misis ni Senator Chiz Escudero: “@henoshchonlein88 It’s a fact sad to say. To all @heartworld never act like that. It will reflect on who you look up to… no to nega.”

Sabi naman ni @leizcagampang: “When you respond to a hater who is irrelevant to your life, you make them relevant. Good decision to ignore. @iamhearte”

Tugon ng Startalk host: “@leizcagampang yessss ignore eventually you get so tired of them and you develop immunity like me. anyway you only get irritated cause it’s all nonsense and it irrates you at first then… ok na.”

“BASTA HAPPY LANG.” Sabi pa ng isang follower ni Heart na si @schin1na: “Nagpalit lang yun ng username. Haha! Anyway marami pa silang mga pseudo accounts na dedicated to bash heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang all they do is research, edit pictures, make collages and make up stories. Twist things around.

“If you will try to defend heart, mapapagod ka lang and nakaka bobo sila kausapin, sa totoo lang haha!

“Kaya let them be. Magkaka carpal tunnel na yang mga yan kakaisip ng mga paninira. Haha! Good vibes.xx”

Mensahe naman ni Heart: “@schin1na I’ve seen some and tried to reach out many times but ganon talaga. Just ignore. It doesn’t look good lang for all of them… Basta happy lang.”

Matagal na ang alitan nina Heart at Marian, na nagsimula sa shooting ng pelikula nilang Temptation Island noong 2011.

Kagabi, July 30, sa presscon ng bagong show na kinabibilangan ni Marian, ang Sunday PINASaya, natanong siya ng media kung handa na ba siyang makipag-ayos kay Heart.

Tugon ng Kapuso Primetime Queen, “Wala namang problema kasi sa akin, e. Ever since, wala kayong narinig sa akin.”

Read: Marian Rivera on 'beso' photo with Lovi Poe: “Okay na 'yon, let go na natin 'yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN