Alden Richards surprised by extreme popularity of AlDub loveteam

Alden Richards on possibility of courting Yaya Dub for real: “Lahat naman siyempre may possibility ‘yan, kaya tingnan na lang natin.”


Araw-araw nang mapapanood sa telebisyon tuwing pananghalian, mula Lunes hanggang Linggo, ang Kapuso matinee idol na si Alden Richards.

Mula Lunes hanggang Sabado ay regular siyang napapanood sa noontime show na Eat Bulaga!.

At simula sa August 9, Linggo, ay mapapanood naman siya sa bagong comedy-variety game show ng GMA Network na Sunday PinaSaya.

Pero bago ito ay matagal ding napanood si Alden sa Sunday All Stars, na magpapaalam na sa ere sa August 2.

Ayon kay Alden, nagbibigay ng labis ng kasiyahan sa kanya ang pagiging bahagi ng Eat Bulaga!

“Sobrang happy po! Kasi ilang artista po ba ang nabibigyan ng chance na mag-host sa isang malaking noontime show na Eat Bulaga?” pahayag ng actor-TV host sa presscon ng Sunday PinaSaya nitong Huwebes ng gabi, July 30, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Hindi naman maikakaila na dahil sa pagiging bahagi ng Eat Bulaga! ay lalong tumindi ang popularidad ni Alden.

Kaya tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung damang-dama na niya ang kanyang kasikatan ngayon.

“Hindi po,” nakangiting sagot ni Alden.

“Ramdam ko siya, pero ayoko siyang ramdamin sa isip at puso.

“Kasi, lahat ng nangyayari ngayon, dahil kay Lord, dahil sa opportunity na ibinigay ng Eat Bulaga!

“Kaya kung anuman ang nire-require ng sitwasyon, handa akong ibigay.

“Kasi sa mga fans, sa mga sumusuporta ng AlDub, utang na loob ko sa kanila yun, very much thankful ako.”

ALDUB LOVETEAM. Natawa na parang kinilig naman si Alden nang sabihin naming talaga palang crush siya ni Maine Mendoza o si Yaya Dub, ang ka-loveteam niya sa “kalyeserye” ng Eat Bulaga!

Mismong ang mga kasamahan ni Yaya Dub sa “Juan For All, All For Juan” segment na sina Wally Bayola at Jose Manalo ang nagsabi nito sa PEP.

Sabi ni Alden tungkol dito, “Nakakatuwa kasi hindi ko pa naman nakita o na-meet si Maine ever sa buong buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro noong nakikita na niya ako sa TV, noong hindi pa ako nagiging part ng Eat Bulaga!...

"Ang nakakatuwa lang, nagagamit namin yung mga ganoong klase ng feelings or sitwasyon para mapasaya namin ang mga tao araw-araw kapag nanonood sila ng ‘Juan For All.’”

Nag-“second weeksary” na sina Alden at Yaya Dub, pero hindi pa raw talaga sila nagkikita nang personal.

Excited ba siyang makita sa personal si Maine?

Sagot ni Alden, “Opo naman!

“Ako nga nagtatanong, ‘Kailan ba, kailan ba kami magmi-meet?’

“Kaya lang, hanging pa rin yung decision kung kailan magkikita sina Alden at Yaya Dub.”

PHENOMENAL. Maging si Alden ay hindi raw makapaniwala sa kasikatan at mainit na pagtanggap ng publiko sa AlDub.

“Phenomenal!” sambit ng Kapuso actor.

Pagkatapos nito ay ikinuwento ni Alden kung paano nabuo ang AlDub loveteam.

“One segment, sinabi ko lang na, ‘Upo kaya ako sa 'Juan For All', gusto ko lang mapanood na nasa stage.’

“Tapos, sabi lang nila, ‘Alden, standby ka, ipu-put on namin sa ‘yo ang camera.’

“’Sige po.’ Tapos nag-dubsmash siya [Yaya Dub], doon na nag-start ang lahat.”

Kung tutuusin, ilang malalaking proyekto na ang nagawa ni Alden sa Kapuso network, pero simula nang magkaroon ng AlDub, parang halos lahat ay guwapong-guwapo at kilig na kilig sa kanya ngayon.

Anong pakiramdam niya rito?

Saad ni Alden, “Siguro po, yung Eat Bulaga! po kasi ay napakalaki ng market—buong mundo, around the world po.

“Mostly po kasi, ang pagkakaalam ko po, noong nagpunta po ako sa U.S., sa Europe, yung mga pinapanood po nila, kapag sinabing GMA-7, is Eat Bulaga.

“Kapag nagtatanong sila kung ano ang mga naging show mo, usually raw kasi hindi sila nakakapanood.

“Dahil kapag pinalabas yung mga shows sa atin, nasa trabaho sila.

“Yung Eat Bulaga rin, tuma-timing din na wala silang work, breaktime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya rin po siguro mas nakilala ako noong napasama ako sa Eat Bulaga is because of that.”

Patuloy ni Alden, “At yung treatment po na ibinibigay sa akin ng Eat Bulaga, very iba pa.

“Like yung binigyan ka ng segment para i-host kasama si Sam YG, yung ‘That’s My Bae.’

“Bago pa lang po ako, kaya ako, open lang po ako na doon lang sa isinasama-sama.

“Malaking bagay na po sa akin yung mapasama sa Dabarkads.

“Tapos ngayon, may sariling segment, may AlDub pa.

“Sunud-sunod po yung blessing na dumarating sa akin since napunta po ako sa Eat Bulaga.”

FOR REAL? Halos lahat naman ng AlDub fans ay umaasang mauwi sa totohanang relasyon ang ginagawang pagpapakilig nina Alden at Yaya Dub.

Posible kayang ligawan ni Alden si Yaya Dub?

Sagot ng Kapuso heartthrob, “Ayoko naman pong magsalita nang patapos.

“Lahat naman siyempre may possibility ‘yan, kaya tingnan na lang natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN