Rocco Nacino not afraid of rising GMA talents: “I feel more of a kuya sa kanila.”

Rocco Nacino on showbiz newcomers: “Gusto ko silang magkaroon ng opportunity to rise and show their talent, kasi lahat tayo may kanya-kanyang talent, e. Kasi hindi naman kailangang magsiraan. Magtulungan na lang tayo.”


Imbes na ma-threaten, natutuwa raw si Rocco Nacino kapag may mga baguhang artista sa Kapuso network

Saad niya, “No, no, no... I feel more of a kuya para sa kanila.

“Gusto ko silang [mga newcomer] magkaroon ng opportunity to rise and show their talent.

"Kasi lahat tayo, may kanya-kanyang talent, e.

“So it’s really exciting to see kung ano’ng puwedeng ibigay ng mga bagong talents na ‘to.

“Kasi hindi naman kailangang magsiraan. Magtulungan na lang tayo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa presscon ng upcoming primetime series na Beautiful Strangers, noong Martes, July 28, sa GMA Network.


ADVICE TO STARSTRUCK CONTESTANTS. Kaya ganito ang tingin ni Rocco sa mga baguhan, ito’y dahil nakikita niya ang sarili sa mga ito noong siya’y nagsisimula pa lang.

Si Rocco ay produkto ng reality-based artista search na StarStruck V, kung saan siya ang tinanghal na Second Prince noong 2010.

Ngayong siya na ang isa sa mga host ng nagbabalik na artista search sa TV—kasama nina Dingdong Dantes, MeganYoung, at Kris Bernal— ginagawa ni Rocco ang lahat para lumakas ang loob ng aspiring actors.

Kuwento niya, “Kanina may eliminations, so I was interviewing them.

"Nakita ko yung sarili ko sa puwesto nila, kung paano sila kabang-kaba.”

Dinalaw ni Rocco ang mga contestants sa kuwarto nila at sinabing, "Tanggalin n’yo yung kaba n’yo. Just be happy, enjoy it.

"Manalo matalo, makapasok o hindi, be hungry.

"Kung gusto n’yo talaga 'yan, i-pursue n'yo talaga 'yan.'"

Paalala pa ni Rocco sa kanila: “Kasi, I failed so many times, pero nandito pa rin ako ngayon.

"So, kung ako kinaya ko, kayang kaya n’yo 'yan.

“So, at least, parang nabuhayan sila.”

MISSING SUNDAY ALL STARS. Gaya ng ibang kasamahan niya sa musical-variety show na Sunday All Stars, na hanggang sa August 2 na lamang ito, maraming mami-miss si Rocco sa mawawalang show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Una kong naisip yung pagtambay namin every Saturday and Sunday [sa GMA studio].

"Saturday yung rehearsals and Sunday yung live show and taping."

Mami-miss din ni Rocco yung friendship na nabuo sa show dahil parang pamilya sila doon.

"Every Sunday magkasama kami. Kailan lang nagkaroon ng alternate tapings, so naka-miss lang ng one week, e, miss ko na agad."

Mami-miss din daw niya ang pag-perform, ang staff at cast.

“Malaking adjustment para sa akin.

"Nasanay akong gumising ng 8 A.M. para umabot ng 9 A.M. sa GMA."

Na-shock daw si Rocco nang una niyang malamang tatanggalin na ang Sunday All Stars.

“Nung sinabing parang three episodes na lang, tinanong ko kung ano na ang mangyayari,” pag-amin ni Rocco.

Positibo naman siyang babalik ang show.

“Naniniwala ako na magpapahinga lang, para lalabas ulit 'yan.

"We need a variety show every Sunday.

“May feeling ako na babalik pa siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN