Marian Rivera’s wish for her unborn child: "Sana maging mabuti siyang tao at maging magandang inspirasyon niya ang tatay niya."

Marian Rivera on pregnancy and motherhood: "Minsan, yung mga babae natatakot mabuntis kasi may mga fears sila na baka ganito o baka ganyan. Pero sabi ko nga, at the end of the day, tumaba man sila o umitim ang kili-kili, ang importante, hindi matatawaran ang magkaroon ng isang anak."


Ngayong August ang birthday month ng mag-asawang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sa Linggo, August 2, ay ipagdiriwang ni Dingdong ang kanyang 35th birthday; sa August 12 naman ang 31st birthday ni Marian.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian kung ano ang birthday wish niya para kay Dingdong at para na rin sa kanyang sarili.

“Wish? Siguro ngayon wala akong gustong i-wish para sa sarili ko.

"Parang lahat ng wish, gusto ko para sa anak ko.

“Na sana paglabas niya, maging mabuti siyang tao at, alam mo yun, maging magandang inspirasyon niya ang tatay niya.

"Kasi, kahit ako, naa-amaze ako sa ginagawa ni Dong, especially sa pagtulong niya sa kapwa niya.

“Alam mo yun, kahit wala siyang tulog, basta maging aware lang ang mga kababayan natin kapag may sakuna, may lindol...”

Ang tinutukoy ni Marian ay ang naging partisipasyon ni Dingdong, bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission, sa Metro Manila Earthquake Drill noong July 30.

Umaga pa lamang daw kasi ay abala na si Dingdong sa pagti-training at aktuwal na pagsasagawa ng quake drill.

Ayon pa kay Marian, “Puyat na puyat ‘yan. Parang isa, dalawang oras, umalis agad ng bahay.

"Parang nakaka-inspire na grabe ‘tong tao na ‘to na magmahal sa trabaho niya, especially sa advocacy niya."

Nakapanayam ng PEP si Marian sa grand launch ng bagong Sunday comedy-musical variety show ng GMA na Sunday PinaSaya, noong Huwebes, July 30, sa GMA Network Center.


NEW SHOW. Marami ang natuwa, lalo na ang mga fans ng Kapuso Primetime Queen, na mapapanood na siyang muli sa isang regular program simula sa August 9.

Pero mag-aanim na buwan na ang ipinagbubuntis ni Marian ngayon kaya malapit na siyang manganak.

Sabi naman ni Marian, "Actually, hanggang kayo ko.

"Nandiyan din naman ang team ko, especially the AAA.

"Alam ko na hindi nila ako pababayaan at sila mismo magsasabi sa akin na, ‘O, Yan, kailangan mo nang mag-rest or anything.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, nasa akin din naman yun kung hanggang kailan ko kakayanin.

"So far naman, parang wala namang nangyayari.

"Lumaki lang ang tiyan ko, pero kaya ko naman."

Nakikita pa rin nga si Marian na sumasayaw, tulad sa nakaraang Grand Kapuso Fans Day sa MOA Arena.

Natatawang sabi ng Kapuso Primetime Queen, “E, kasi nga, sabi ng OB [obstetrician] ko, ‘Kung ano yung ginagawa mo noong hindi ka pa buntis, puwede mo siyang gawin nang buntis ka. As long as nag-iingat ka, walang problema.’”


PEG FOR WOMEN. Ipinarating ng PEP kay Marian ang komento ng ilang netizens na siya ang ginagawang peg ng mga kasalukuyang buntis o nagpaplano pa lamang mabuntis.

Maganda at sexy pa rin kasi si Marian kahit buntis.

Ano ang pakiramdam niya?

Sabi niya, “Well, siyempre masarap yung nakakapagbigay ka ng magandang ehemplo o inspirasyon.

“Minsan yung mga babae, natatakot mabuntis, kasi may mga fears sila na baka ganito o baka ganyan.

“Pero sabi ko nga, at the end of the day, tumaba man sila o umitim ang kili-kili, ang importante, hindi matatawaran ang magkaroon ng isang anak.

“Sabi ko nga, ke umitim pa ang kili-kili ko o tumaba ako, why not?

"Kung ang kapalit naman ay isang bata, why not?"

BABY MARIA. Madalas ay tinatawag na “Baby Maria” ang panganay na anak nila dahil isa na sa siguradong pangalan ng bata ay Maria.

Noong isang linggo ay nagpa-4D ultrasound sila kaya nakita na raw nina Marian at Dingdong at Marian ang hitsura ng kanilang baby girl.

Kumusta naman nang makita nila sa 4D ultrasound ang anak?

“Ay, siyempre tuwang-tuwa kami, ang tangos ng ilong!” nakangiting sabi ni Marian.

Sino ang kamukha?

"Well, sabi kamukha ko. Si Dong, sabi niya kamukha ko.

"Pero ako, feeling ko, kamukha ni Dong.

“So, parang mixed.”

Mas lalo nga raw silang na-excite na makita agad ang baby nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Excited na talaga kaming makita siya.

"At kung puwede lang ngang hatakin na ang November [due date ni Marian], sa totoo lang.

“Pero ang sarap din kasing namnamin na lumalaki ang tiyan ko, gumagalaw ang tiyan ko.”

Kapag gumagalaw si baby, ano ang pakiramdam niya?

“Noong una, nawi-weirduhan ako kasi parang may gumaganun!” natawang sabi niya.

“Pero habang nagtatagal, nakakaaliw na.

"Kahit si Dong pinapahipo ko, tapos minsan bini-video ko na umaalon siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN