Wally Bayola, as Lola Nidora, has a lot of explaining to do why Alden Richards and Yaya Dub are being kept apart: "Basta may dahilan."

Wally Bayola has been keeping noontime TV watchers in stitches for years for which he humbly acknowledges the brilliance of his fellow comedians in Eat Bulaga! and the show itself. "Nagagawa naman namin ang trabaho namin, masaya na po kami dun," he says.


Naniniwala si Wally Bayola na tamang-tama ang pagdating ni Maine Mendoza—na mas kilala bilang si Yaya Dub—sa Eat Bulaga! dahil usung-uso ang Dubsmash ngayon.

Wala pang isang buwan si Yaya Dub sa longest-running noontime show, pero sikat na sikat ito ngayon.

Bilang magkasama sila sa segment ng Eat Bulaga! na "Juan For All, All For Juan," bilang Lola Nidora at Yaya Dub, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wally kung paano nga ba si Maine sa likod ng camera.

Sagot ng comedian, “Wala, tahimik lang din, nag-aaral ng dubsmash niya.”

Tinanong lang daw nila ang background nito at kung saan nag-aral. Nalaman din nilang crush nito ang kasamahan nila sa Eat Bulaga! na si Alden Richards .

Sabi pa ni Wally, “Kaya siya nagulat nang makita niya [si Alden], yun ang simula.”

Ang tinutukoy niya ay ang unang paglabas ni Alden sa screen habang nagda-dubsmash si Yaya Dub sa remote location.

At dito na nga nagsimula ang AlDub loveteam at ang "kalyeserye" ng noontime show ng TAPE at GMA Network.

Sa tingin ni Wally, may potensiyal talaga si Maine sa pag-aartista?

Sagot niya, “Oo, naririnig din naman naming magsalita, maayos magsalita, pero siyempre surprise muna.”

Pananatilihin ba nilang misteryoso muna tulad ng hindi pagkikita ng AlDub?

“Hindi ko alam kung papayagan ko ang dalawa!” biro pa ni Wally gamit ang boses ni Lola Nidora.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wally sa grand launch ng upcoming comedy-variety game show ng GMA Network na Sunday PinaSaya.

Ginanap ito noong Huwebes, July 30, sa 17th floor ng GMA Network Center.


WILD FANS. Nagugulat pa ba si Wally sa ingay at lakas ng pagtanggap ng mga manonood sa mga ginagawa nilang karakter o segment sa Eat Bulaga!, tulad ng kanyang pagiging Lola Nidora?

Sagot niya, “Natutuwa na nalulungkot..

“Lalo na ngayon, maraming nagagalit dun sa mga AlDub fans na bakit daw pinaghihiwalay ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinasabi ko na lang, basta may dahilan.

“At saka, sinasabi ko na lang na hindi rin naman ako puwedeng sumagot... kumbaga, acting yun.

“Bahala na lang din ang mga magulang na mag-explain sa mga bata.”

Wala pa naman daw bumabato sa kanya sa kalye.

“Wala naman!” natawang sabi ni Wally.

Nilinaw rin ni Wally na ang ginagawa nila sa" Juan For All, All For Juan" ay wala talagang script.

“Basta may character lang, naisip...

"Tulad ng 'kalyeserye' na ang nakaisip naman po ng tawag ay si Tito Joey de Leon."

Kahit sinabi ni Wally na marami ang nagagalit sa kanya, lalo na sa mga AlDub fans, wala namang duda na natatawa talaga ang mga manonood sa kanya.

Kung sabihin, nakabalik na talaga siya sa puso ng mga manonood dahil sa 'kalyeserye' nila.

Pahayag ni Wally, “Yung ginagawa ko naman po ay hindi naman po sa akin, Eat Bulaga! po yun.

“Si Jose [Manalo], hindi ko naman magagawa yun kung ako lang.

“Kumbaga, nagagawa naman namin ang trabaho namin, masaya na po kami dun.”


SUNDAY PINASAYA. Samantala, araw-araw nang mapapanood tuwing tanghali ang comic duo nina Wally at Jose simula sa August 9.

Lunes hanggang Sabado sa Eat Bulaga!, at tuwing Linggo naman sa Sunday Pinasaya.

Sisiguraduhin naman daw nilang iba ang mapapanood sa kanila sa bagong Sunday show ng Kapuso network.

“Siguro kung may mga character din kaming magagawa, same thing na may character din kami sa Bulaga.

“Pero dito siguro iba, kasi iba rin naman ang mga kasama namin.”

Pero kasama rin sa Sunday Pinasaya si Alden, hindi kaya magawa rin nila ang AlDub?

“Hindi po siguro, kailangang iba,” nakangiting sabi ni Wally.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN