Dennis Trillo on ‘relationship’ with Jennylyn Mercado: "Love is lovelier the second time around."

Kahit walang tuwirang pag-amin, mababatid sa mga pananalita ni Dennis Trillo na may espesyal na silang relasyon ng aktres na si Jennylyn Mercado. Hindi naman daw nila ito itinatago at hindi na rin daw nila kailangan pang pag-usapan ito sa publiko. Sabi pa niya, “Siguro yung mga ganyang usapin para lang ‘yan sa mga nagsisimula na gusto pag-usapan ang mga lovelife nila at maging controversial.”


“Love is lovelier the second time around.”

Ito ang medyo may kilig na pahayag ni Dennis Trillo sa presscon ng bago niyang primetime series, ang My Faithful Husband, na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network Center, Biyernes ng gabi, July 31.

Hindi man tuwirang umamin si Dennis sa real score nila ni Jennylyn Mercado, na siya ring leading lady niya sa teleserye, nahalata naman ng press na may mas malalim na namamagitan sa dalawang Kapuso prime artists.

Sabi pa ni Dennis, “Ganun talaga, e, nangyayari talaga.

"Ngayon, masasabi ko love is lovelier the second time around."

Dati nang nagkaroon ng relasyon sina Dennis at Jennylyn, ngunit nag-break sila noong 2011.

Read:Jennylyn Mercado and Dennis Trillo break up

Sa scale na 1 to 10, ano ang maibibigay na grado ni Dennis sa kasiyahan ng puso niya ngayon?

Tugon ng aktor, “Ten siguro kasi ano, e, marami kasing magandang nangyari bukod dun sa magandang relasyon namin.

“Bukod sa bagong show, sa takbo ng career, sa mga nangyayari sa buhay ko, sa pamilya ko, lovelife... lahat-lahat na.

"Kumbaga, masaya, wala nang mahihiling pang iba."

Ano na ba ang level ng relasyon nila ni Jennylyn?

Sagot ni Dennis, “Maganda yung samahan namin, working relations okay din, magkaibigan din.

“Pero merong mga ibang bagay na hindi na kailangang sabihin.

"Kung ano yung mga nakikita ng mga tao, hindi mo na kailangang sabihin pa."

Action speaks louder than words?

Pagsang-ayon ni Dennis, “Siguro nga.

"Hindi naman ako ganun na tao na nagpo-focus lang sa lovelife.

"Pero masaya lang ako sa mga nangyayari.

“Magkatrabaho kami ulit and maayos kami.”


“MAS GUSTO NAMIN PEACEFUL.” Ayon pa kay Dennis, mas maganda na tahimik na lang kung anumang meron sila ni Jennylyn ngayon.

Hindi rin naman daw nila ito itinatago.

“Hindi naman, pero mas masaya lang siguro kami sa ganun na tahimik, na hindi na pinagpipiyestahan kung ano man yung nangyayari sa mga buhay-buhay namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, kasi medyo matatanda na rin kami.

"Siguro yung mga ganyang usapin, para lang ‘yan sa mga nagsisimula na gusto pag-usapan ang mga lovelife nila at maging controversial.

“Kami, tapos na kami dun.

"Mas gusto namin, peaceful. Walang kontrobersiya," saad ng 34-year-old actor.

Sa trabaho naman daw, masaya si Dennis at nag-mature na sila ngayon ni Jennylyn.

“Masaya lang na nag-grow kami bilang mga individuals, nag-mature...

"Hindi naman yung sobrang nag-mature, siguro nag-grow kahit papano.

"At masaya kami at nakatulong yun para maganda yung relasyon namin ulit at makapagtrabaho nang maayos."

MY FAITHFUL HUSBAND. Sa August 10 magsisimulang mapanood sa GMA primetime ang My Faithful Husband.

Gagampanan ni Dennis dito ang role ni Emman, isang faithful na asawa na kinakaliwa ng kanyang misis na ginagampanan naman ni Jennylyn.

Gaano ba siya ka-faithful kay Jennylyn sa totoong buhay?

Nakangiting sagot ni Dennis, “Gaano ka-faithful? Meron bang mga levels yung pagiging faithful?

"Basta kapag faithful ka naman, ayun.

"Kung tapat ka, yun na yun, wala nang ano kung anuman."

Makaka-love triangle nina Dennis at Jennylyn sa My Faithful Husband si Mikael Daez.

Kasama rin sa powerhouse cast sina Louise delos Reyes, Snooky Serna, Rio Locsin, Ricky Davao, Nonie Buencamino, Lloyd Samartino, Timmy Cruz, Kevin Santos, at Jerald Napoles.

Kabilang din sa cast sina Julie Lee, Jade Lopez, Jazz Ocampo, Aaron Yanga, at Rexcy Evert. Mula ito sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN