Jennylyn Mercado still evasive about rumored reconciliation with Dennis Trillo

Kung si Dennis Trillo ay tila inamin na ang pagbabalikan nila, si Jennylyn Mercado naman ay ayaw pa ring magsalita tungkol dito. Sabi ng Kapuso actress, "Ayaw ko nang pag-usapan 'yan, masyadong... pabebe, pabebe girl, e. Wala, ano ba? Focus lang kami sa trabaho ngayon."


"Ano ba 'yan? Nakakanerbiyos naman kayo!"

Ito ang naging reaksiyon ni Jennylyn Mercado sa pahayag ni Dennis Trillo na “love is lovelier the second time around,” bilang pagtukoy sa estado ng kanilang relasyon ngayon.

Read: Dennis Trillo on ‘relationship’ with Jennylyn Mercado: “Mas gusto namin, peaceful. Walang kontrobersiya.”

Nabanggit ito ng Kapuso actor, sa hiwalay na panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa grand launch ng GMA primetime series na My Faithful Husband, sa Studio 7 ng GMA Annex, kagabi, July 31.

Ang teleseryeng ito, na magsisimula sa August 10, ang reunion project nina Jennylyn at Dennis matapos ang kanilang paghihiwalay noong 2011.

Base sa kanyang body movements at facial expression, halatang na-conscious si Jennylyn nang tinanong ng PEP tungkol sa reaksiyon niya sa sinabi ni Dennis.

Bulalas pa ng Kapuso star, "Huwag naman kayong ganyan! Hindi ko kayang tapatan yun.

"Hindi ko alam… wala akong alam."

Ibig bang sabihin nito, hindi siya naniniwalang “love is lovelier the second time around”?

Parang nalilito pa ring sagot ng Kapuso singer-actress, "Ano ba? Ano kasi, iba kasi talaga ang focus ko, e.

"Ang pinaglalaanan ko talaga ngayon ng pansin ay trabaho muna."

May dagdag pang sinabi ang kanyang leading man na “very happy” raw ang lovelife nito, na parang patungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ngayon.

Pabiro namang hinamon ni Jennylyn si Dennis, na iniinterbyu ng ibang press sa ‘di kalayuan pero ang posisyon ay nakaharap sa kanya.

Sabi ng award-winning actress sa Kapuso Drama King, "Halika ka nga rito, mag-usap nga muna!”

Baling naman niya sa amin, "Ikaw na! Tanungin niyo muna, tanungin niyo muna."

Lampas na raw sa “time trial”?

Muli namang reaksiyon ni Jennylyn, "Talaga naman! Pinagtutulung-tulungan niyo ako.

"Sinabi niya? Grabe kayo!”

Kasalan na nga ba ang kasunod?

Komento ng aktres, "Sandali, kasal agad? Wala pa ngang...

"Puwede boyfriend muna bago kasal?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REAL SCORE. Pero ano ba talaga ang real score sa kanilang dalawa ngayon?

Giit ni Jennylyn, "Wala, wala talaga."

Kailangan pa ba ng ligawan sa kanilang dalawa, kung sakali man?

Sagot ng StarStruck alumna, "Siguro, kung sakaling magkakaroon man, for formality, ganun.

"Ayaw ko nang pag-usapan 'yan, masyadong... pabebe, pabebe girl, e.

“Wala, ano ba? Focus lang kami sa trabaho ngayon."

Pero madalas silang magkasama ngayon. Ano ba ang ibig sabihin nito?

Sabi ni Jennylyn, "Hindi naman porke’t magkasama kami, e… marami naman kaming magkakasama.

"Tangunin niyo muna sa kanya, kasi ako, wala.

"Pero siyempre kasi, naging magkabigan kami ulit, di ba?

"Siyempre, maraming bagay na hindi namin napag-usapan noon, na hindi talaga naayos.

"E, siyempre ‘di ka makapagtrabaho nang maayos kapag bitibit mo pa rin.

"Dapat lang maayos na yun."

NO EXTRA BAGGAGE. Sa ngayon, wala na raw ang bagahe sa kanilang emosyon na bitbit nila noong maghiwalay sila nang hindi maganda.

Sabi ng 2015 FHM Sexiest Woman, "Matagal na.

"Yun lang, may mga kailangang ayusin.

"Okey naman kami.

"Kung paano ko tinitingnan sina Mikael [Daez, na kasama nila sa teleserye], ganun din."

Nagsimula ba sila ulit nang magkasama sila rito sa My Faithful Husband?

Paglilinaw ni Jennylyn, "Ay, hindi, kasi kahit noon, nagbabatian naman kami.

"May mga events naman o sa Sunday All Stars, na magkasama kami."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN