Arnell Ignacio speaks up about split with boyfriend Ken Psalmer

Arnell Ignacio on his breakup with aspiring singer Ken Psalmer: "Noon talaga, ayoko magsalita ksi may natitira pa akong respeto. Ngayon, completely wala, kasi, di ba, malalaman ko ganyan mo pala ako ginagago. The least you can do ay maging mabait na lang sa akin, and that would be highly-appreciated. Ako na yung nagpapakumbaba, tinutulungan ko pa, tatarayan mo pa ako."


Ilang linggo pa lamang ang nakalilipas mula nang maganap ang “engagement” ng entertainer na si Arnell Ignacio at ng boyfriend nitong si Ken El Psalmer ay lumabas ang balitang nag-break na sila.

Read: Arnell Ignacio clarifies 'proposal' to BF Ken El Psalmer: “Kaya ko binigyan ng singsing, officially tayo na, para wala nang umagaw.”

Sa panayam ng Startalk kay Arnell, sinabi nitong naging masaya naman ang kanilang short-lived relationship—na umabot lamang ng dalawang buwan—at napasaya nila ang isa’t isa.

Pero si Arnell ay napuno na raw dahil sa ginawa sa kanya ni Ken.

Saad ng comedian-TV host, “Seryoso ako for a long-term relationship.

“Apparently, hindi siya seryoso, e. Gusto niya pang maglaro.

“Hindi naman lahat ginagawa…

“E, nagawa ko na nga yung gusto niyang laro, and yet siya pa ang nagagalit sa akin.”

HARAP-HARAPANG BINABASTOS. Kahit daw ang best friend ni Arnell na si Ai-Ai delas Alas ay nagagalit na sa kanya dahil nasasaksihan daw nito kung paano harap-harapang bastusin ni Ken ang komedyante.

Saad pa ni Arnell, “Ang hirap naman kasi na ikaw ang buung-buo ang dedikasyon na naka-focus ka sa kanya.

“Pagkatapos, e, naggagaguhan lang tayo, di ba?

“Kesa lumala pa na maging magkaaway kami, e, tigilan na lang.

“Nakarinig pa ako na wala raw siyang nahihita sa akin.”

Tumanggi si Arnell na idetalye kung paano siya lokohin at bastusin ni Ken, dahil nakakahiya raw talagang ikuwento kung ano ang mga nalaman niya sa dating karelasyon.

Ang sabi lang niya, “Napuno na ako nung ikaw mahuhuli na nga kitang nanlalaki ka, uulitin mo pa, di ba?

“Ano ‘to, lolokohin mo lang ako nang lolokohin, ikaw pa ang nagagalit?

“Sana mag-apologize na lang, di ba?

“Hindi, e! Magagalit lang yun!”

KEN’S CAREER. Sa ilang pag-uusap nila, sinabihan pa raw ni Arnell si Ken na kung hindi man mag-work ang kanilang relasyon, puwedeng tulungan na lang niya ito para may maabot naman ang singing career nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Binibigyan mo ng work, ang daming arte.

“Lahat yun pinagpasensiyahan ko. Tiniis ko.

“Tinanggap ko dahil, ultimately, ang gusto ko maging maayos ang buhay niya.

“Thirty-five years old na siya. Ang lahat na kapanabayan niya, naka-take off na, and I felt for it.

“Entertainer ako, entertainer siya.

“So, naiintindihan ko ang buhay ng entertainer kung gaano niya pinaghihirapan.”

Patuloy ni Arnell, “Noon talaga, ayoko magsalita ksi may natitira pa akong respeto.

“Ngayon, completely wala, kasi, di ba, malalaman ko ganyan mo pala ako ginagago.

“The least you can do ay maging mabait na lang sa akin, and that would be highly-appreciated.

“Ako na yung nagpapakumbaba, tinutulungan ko pa, tatarayan mo pa ako.”

Mensahe pa niya kay Ken, “Dapat siguro sa panahon ngayon, alam na niya kung ano ang tama at mali.

“Alam niyang maling-mali ang ginawa niya.

“Matuto siyang mag-thank you, matuto siyang mag-sorry kung mali siya.

“Pero ngayon, palagay ko, it’s too late.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN