JM de Guzman cites importance of "listening skills" in getting back together with Jessy Mendiola

JM de Guzman stresses the importance of listening in relationships: “Dapat ang mga lalaki, ma-master nila ang listening dahil ang babae, may mga needs 'yan na 'pag sinabing verbal, hindi lang talaga yun. Pakinggan mo pa.”


Para kay JM de Guzman, ang pagkakaroon ng “listening skills” ay isa sa mga natutunan niya sa naudlot nilang relasyon ni Jessy Mendiola noong nakaraan, na ina-apply niya ngayong nagkabalikan sila.

Paliwang ni JM sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “Listening skills, I learned the art of listening.

“Dapat ang mga lalaki, ma-master nila ang listening dahil ang babae, may mga needs ‘yan na 'pag sinabing verbal, hindi lang talaga yun.

"Pakinggan mo pa."

Kung dati ay hindi nila maamin nang diretso ang tungkol sa pagbabalikan nila, ngayon ay hindi na nila ito itinatago.

Bilang patunay nga nito ay sabay silang dumating at nagpa-pictorial para sa 23rd anniversary ng Star Magic.

Sabay rin silang nagpa-interview sa media.


LOVELIFE NOT ENTIRELY AN OPEN BOOK. Pero paglilinaw ni JM, hindi naman ito nangangahulugang bubuksan na nila sa publiko ang lahat ng kaganapan sa kanilang relasyon.

“Hindi naman going public, siguro 'wag lang i-deny.

"Maging totoo lang sa kung ano ang mayroon kami.

"Basta masaya kami, nakakawala ng sakit," sabi niya.

Hindi ba nagseselos si JM kung nali-link si Jessy sa mga nagiging kapareha nito?

Sagot ng Kapamilya actor, “Ako, seloso talaga ako pero 'di na ganung kaseloso.

“Wala... tiwala lang, alam ko naman na napakatinong babae ng mahal ko sa buhay.

“Wala akong dapat ipagselos dahil wala sa ugali niya yung ganun, wala sa personality niya yung ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN