Snooky Serna's faith unshaken despite Iglesia Ni Cristo controversy: "Mas hahanga ka pa nga sa pamamahala kasi walang sinisino."

Snooky Serna stands by her church's beliefs and doctrines amid ongoing controversy: “Mas lalo pa nga akong... in a way, mas hahanga ka pa nga sa pamamahala kasi walang sinisino. Regardless kung sino, kung kapatid ka, kadugo ka, may posisyon ka sa buhay. Kung kinakailangan mong itiwalag ka, ititiwalag ka.”


Si Snooky Serna ay apat na taon nang miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Aktibong miyembro siya ng INC, at nagpapasalamat siya nang lubos dahil nakatira siya ngayon sa isa sa mga pabahay nito sa Quezon City.

Nitong nakaraang mga araw ay nabalot ng kontrobersiya ang INC dahil sa isyung may kinalaman sa corruption diumano sa pamamahala sa pondo at iba pang isyung kinasasangkutan ng karamihan sa matataas nilang opisyales.

Kaya nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Snooky, sa presscon ng GMA primetime series na My Faithful Husband, noong July 31, inalam namin ang opinyon niya tungkol dito.

Atubili sanang sumagot si Snooky tungkol dito, pero sa huli ay nagsalita rin siya.

"I would rather not talk about it, no offense meant.

"Kaya lang, parang I'm not on liberty to comment.

"Basta sa akin lang, it wouldn't change my faith, my belief, my adherence to INC."

Hindi naman daw maaalis sa isang organisasyon o maging sa isang relihyon na magkaroon ng ganung isyu, lalo na nga't isa itong napakalaking samahan at milyun-milyon ang mga kasapi.

Saad ni Snooky, "Hindi naman maaalis 'yan sa kahit anumang organisasyon.

"Kaya ganun na nga, siguro be unmindful na lang of it.

"Kasi ang tinitingnan mo naman diyan ay yung aral.

"I don't wanna sound like I'm being self-righteous now, pero yun talaga ang aking stand.

"Tahimik na lang ako, ang tingin ko, diretso lang."

Dugtong pa niya, "Unang-una nga, hindi naman ako involved.

"Pero siyempre, malungkot, nakakalungkot.

"Pero alam kong lilipas din ito, e. Sabi nga nila, 'This too shall pass.'"


UNSHAKEN FAITH. Nasasaktan ba siya na ang isyu ay nangagaling mismo sa pamilya ng mga Manalo?

Sagot ni Snooky, "No, no.

"Kasi, mas lalo pa nga akong... to be honest, ha, mas lalo pa nga akong...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In a way, mas hahanga ka pa nga sa pamamahala kasi walang sinisino.

"Regardless kung sino, kung kapatid ka, kadugo ka, may posisyon ka sa buhay.

"Kung kinakailangan mong itiwalag ka, ititiwalag ka.

"Walang sinisino, kapag nagkamali ka, kahit ministro ka, kahit sino ka pa, kahit personality ka pa, 'pag may ginawa kang labag sa tama."

Patuloy ng aktres, "Wala akong pinapanigan kasi wala naman akong alam sa istorya, e.

"Pero kung tinatanong nila ako, kung nagbago ba ang pananaw ko sa Iglesia, kung na-turn off ba ako, hindi.

"As a matter of fact, instead of being disheartened, mas lalo nga akong na-encourage.

"I mean, that I am in the truth and yun ang aking pananaw.

"And, I'm sure sa dami ng nadaanan ng Iglesia through the years, 'di ito magiging kasangkapan ng mga kalaban para mabuwag ang Iglesia."


TRIALS AS TESTS OF FAITH. Naniniwala rin ba siya na kahit saan mang samahan, mayroong parang mansanas na nabubulok sa basket, mayroong sadyang pasaway?

Sasbi ni Snooky, "I don't want to use the word 'bulok.' It's too strong a word.

"Kunsabagay, it's just a figure of speech.

"Mga tao pa rin kasi tayo, e.

"Kasama na ako dun sa nag-i-struggle tayo, hangga't nandito pa rin tayo sa mundo.

"Kung minsan, may points or times na nagiging pasaway, na dumarating sa puntong sobra na ang pagiging pasaway na kailangan nang itiwalag."

Ano nga ba ang nagtulak sa kanya upang magpa-convert sa pagiging isang Iglesia Ni Cristo?

Tugon ni Snooky, "Ako, ang masasabi ko lang, 'di ba, may kanya-kanya naman tayong truth?

"Hindi ko sinasabi na kami lang ang pinakamabuti, 'di lang kami ang masi-save.

"But in my spiritual journey, nakita ko ang katotohanan sa pag-anib sa Iglesia Ni Cristo.

"Ganun ang naramdaman ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN