Robin Padilla and Mariel Rodriguez expecting twins

Robin Padilla has confirmed wife Mariel Rodriguez's pregnancy through his Instagram account. Robin also mentioned the names "Maria and Juan de Padilla" which means they're expecting twins.


Magkakaroon na ng anak ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez.

Kinumpirma ni Robin ang pagbubuntis muli ni Mariel sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (robinhoodpadilla) ngayong araw, August 1.

Nag-post si Robin ng larawan ng ultrasound at nilagyan niya ito ng caption na: "Maria and Juan de Padilla IN SHA ALLAH GOD WILLING"


Lumalabas na kambal ang ipinagbubuntis ni Mariel sa pagkakataong ito.


🙏Maria and Juan de Padilla IN SHA ALLAH GOD WILLING

A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) onJul 31, 2015 at 11:45pm PDT


Matatandaang noong Marso lamang ng taong kasalukuyan ay nakunan si Mariel sa una sana nilang anak ni Robin.


Read: Mariel Rodriguez confirms miscarriage: “A small part of me has died.”

Bago ang pagpu-post ni Robin ng ultrasound ni Mariel ay nag-post din ang action star ng larawan ng kanyang misis habang nasa hospital bed.

Naka-confine ang Kapatid TV host sa Asian Hospital sa Muntinlupa, Alabang.

Caption niya rito: "When the Angel sleeps"

When the Angel sleeps

A photo posted by robin padilla (@robinhoodpadilla) onJul 31, 2015 at 7:52am PDT

Kagagaling lang nina Robin at Mariel sa Spain, kung saan sila nanatili ng ilang linggo, kaya malaki ang posibilidad na doon sila nakabuo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN