Barbie Forteza encourages responsible social media use among today's youth

Barbie Forteza is well aware of her limitations whenever she posts on social media: “Ako personally, aware ako, conscious ako sa pagpu-post ko sa Instagram kaya aaminin ko na po, hindi ako ganun ka-honest sa Instagram ko. Laging mga OOTDs [outfit of the day] lang, yung pusa ko or whatever. Pero kung anuman, kunyari may problema or may hindi magandang nangyayari, hindi para i-tweet ko.”


May bagong bahay na ang Tween Queen na si Barbie Forteza.

Kailangan na raw kasi nila ng mas malaking lugar.

“Opo, e. Lumalaki na rin po ako, si Mama, si Daddy. Palaki po kami nang palaki,” at tumawa si Barbie.

“Kaya kailangan na namin ng bigger place for bigger people.

“'Tsaka hindi, sa gamit din po marami po akong gamit.”

Ang condo unit na dati nilang tinitirhang mag-anak ay pinaparentahan na lang ngayon.

SUNDAY PINASAYA. Kasama si Barbie sa bagong show na Sunday PinaSaya na papalit sa Sunday All Stars simula August 9.

“Ako po dun si Pabibo Girl, ano lang ako, pala-answer lang ako sa lahat ng prods nila Lagi akong may comment, lagi akong may say, laging nakasawsaw.

“Ako ang laging eksads [exaggerated] sa kanilang lahat Lagi akong may say so ako ang pabibo talaga.

“Meron po akong dalawang friends, girlfriends na parang bilang isang grupo kami ng mean girls, ganyan.

“Pero in a pabibo good way po. Hindi naman yung sobrang taray na ganyan.

“Excited ako kasi yung look ko pa lang nung pictorial, e, talagang eksads na eksads na. Talagang pula kung pula na favorite color ko naman!” masaya niyang kuwento.

FRUITS OF HARD WORK. Nasa Sunday PinaSaya rin sina Marian Rivera, Alden Richards, Jerald Napoles, Julie Anne San Jose, Jose Manalo, Wally Bayola, Valeen Montenegro, Joey Paras at Ai-Ai delas Alas.

“So iyon, happy ako and thankful siyempre dahil lahat ng mga blessings sa akin, hindi mapupunta sa akin kung hindi dahil sa GMA.

“Lahat 'yan, yung pagpunta ko sa Japan para sa The Half Sisters, yung pagkakaroon ko ng bahay, lahat 'yan dahil sa pagtatrabaho ko dito sa GMA.

“Lahat ng achievements ko dahil po sa GMA,” pagpapasalamat niya.

Katas raw ng The Half Sisters ang bagong bahay niya.

Pagkumpirma niya, “Opo, actually katas siya ng The Half Sisters.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman raw cash niya binili ang baging bahay niya kundi hulugan.

“Hindi naman po ganung ka-katas,” at tumawa si Barbie.

“Hindi naman ganung kapiga. Kailangan po namin ng pang-araw-araw na panggastos.”

Nakausap ng PEP.ph [Philippine Entertainment Portal] si Barbie noong nakaraang Martes, July 28, sa birthday presscon na idinaos ng GMA para sa Tween Queen sa 17th floor ng GMA Network Center.

SOCIAL MEDIA RESPONSIBILITY AMONG YOUTH. Nahingan namin si Barbie ng opinion tungkol sa mga isyu ngayon na eskandalo ng mga kabataan na may kinalaman sa sex videos at nude selfies.

Seryosong pahayag niya, “Well, oo nga, e. Aminin naman po natin, iba na po talaga ang mga kabataan, kaming mga kabataan ngayon.

“Kaya lang, parang ang sisi po niyan dun sa tao mismo talaga, e. Dun sa bata talaga na involved, kung sino man.

“Kasi I doubt kung nagkulang sa sermon o sa pasabi ang magulang? Hindi e, hindi talaga.

“Nasa tao yun, na ikaw ba sa sarili mo, isipin mo kung gagawin mo ang isang bagay, kung saan makakarating.

“Kung sakaling makarating dito sa point na ito, happy ka ba? Ganun.

“Ako personally, aware ako, conscious ako sa pagpu-post ko sa Instagram kaya aaminin ko na po, hindi ako ganun ka-honest sa Instagram ko.

“Laging mga OOTDs [outfit of the day] lang, yung pusa ko or whatever.

“Pero kung anuman, kunyari may problema or may hindi magandang nangyayari, hindi para i-tweet ko.

“Na, ‘May problema ako sa ganyan!’ ‘Ay, grabe naman si ganito! Bakit ganyan?’

“Kasi nga hindi maganda.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN