Angelica Panganiban's interview with ex-boyfriend Carlo Aquino in Banana Split full of kilig moments

Carlo Aquino [exteme left] and Joey Marquez [extreme right] were guest stars in the Banana Split segment "Krissy TV" hosted by Angelica Panganiban[center] and Jason Gainza on Saturday night, August 1.


Punung-puno ng katatawanan ang episode ng late night gag show ng ABS-CBN na Banana Split nitong Sabado ng gabi, August 1.

Muling nagkasama sa show ang dating magkasintahan na sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino sa segment ng show na "Krissy TV." Taong 2003 pa nang mag-break sina Carlo at Angelica.

Ito ang spoof ng morning show ni Kris Aquino na Kris TV na pinangungunahan ni Angelica bilang "Krissy" kasama si Jason Gainza na gumaganap na si "Darla."

Sinimulan ni Jason ang interview sa tanong kung anong nararamdaman nito dahil patuloy na pagtangkilik ng kanyang fans sa programang Flordeliza, na pinagbibidahan nito.

Sagot ni Carlo, "Siyempre masarap, masarap dahil tumagal kami ng 8 months.

"Siyempre hindi naman tatagal yun ng ganun kung hindi naman dahil sa mga Kapamilya natin na sumusuporta talaga."

Si Angelica ang sumunod na nagtanong ngunit tila medyo speechless siya kay Carlo.

Natatawang sabi ni Angelica, "Ano yung mga hindi mo makakalimutang experience dun?

"'Tsaka... nakakaloka!"

Sumingit naman si Jason at sinabing, "Ano madam ituloy mo... May tinatanong ka madam?

Patuloy ni Angelica, "Oo nga, yung mga hindi mo makakalimutang experience at saka yung mga favorite mong hugot lines, ganun!"

Kinilig naman ang mga nakanood ng sagutin ito ni Carlo.

Anya, "Yung hugot line siguro, yung line ko na isa na, 'Bakit hindi na lang ako ang minahal mo?'"

Tinanong rin ni Jason si Carlo kung ano ang na-miss nito kay Angelika.

Sagot ni Carlo, "Yung mga taping sa G-MIK, yung mga kilig-kilig.

"Mga ginigitahan ko siya... Kinakantahan ko siya ng ano, 'You are the girl of my dreams, of my heart..."

Bago matapos ang segment, nagbalik-tanaw din si Carlo sa dating grupo nito na JCS kabilang si John Prats at Stefano Mori.

KRISSY AND JOEY. Samantala, natawa rin ang mga manonood dahil guest din sa programa si Joey Marquez, ang naging karelasyon ni Kris Aquino na ginagaya ni Angelica sa programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ni Jason si Joey kung ano daw ang pagkakapareho nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ngayogn pareho silang hurado sa "The Funny One" na segment sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.

Natatawang sagot ni Joey, "Pareho kaming mayor, siguro. Ako dati, siya ngayon."

Tinanong naman ni Angelica si Joey kung ano pa ang natututunan niya sa mga contestant ng "The Funny One" ngayon "beterano" na daw siya sa industriya.

Sabi ni Joey, "Ang sakit naman nun, wag namang beterano."

Sinagot naman siya ni "Krissy" ng, "Sinaktan mo din ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN