Julie Anne San Jose happy about clearing misunderstanding with Alden Richards: “Bigla na lang sigurong nag-click, ganun.”

Julie Anne San Jose narrates the little steps that eventually led to her being on good terms again with Alden Richards: “Dito po siguro, oo. Nung pictorial, yes. And yon, nagkaroon kami ng prods [production numbers] together so 'yon, sa Eat Bulaga! rin. Casual, wala naman pong kaso.”


Pinagtabi at pinag-kiss sina Julie Anne San Jose at Alden Richards sa presscon ng Sunday PinaSaya noong nakaraang Huwebes, July 30, sa 17th floor ng GMA Network.

Ito ay hudyat na tapos na nga ang anumang isyu na namagitan sa dalawa tatlong taon na ang nakakaraan; isyu na hanggang ngayon ay hindi malaman kung ano ang pinag-ugatan.

Ano ang pakiramdam ni Julie Anne na maayos na ang sitwasyon sa pagitan nila ni Alden?

“Ah yeah, I mean like, okay naman, okay lang. Okay naman po," sabi ni Julie Anne.

“I’m okay, I’m okay with it,” pakli niya.

NO MORE RIFT. May una bang gumawa ng hakbang para mabalik sila sa speaking terms ni Alden? Dati kasi ay halos hindi sila nagpapansinan.

Dagdag niya, “Wala naman po, wala naman. Like, yon, basta parang bigla na lang ano, e... bigla na lang sigurong nag-click, ganun.”

Kailan sila ulit unang-unang nagkita?

“Well ano, palagi kaming nagkikita,” paglinaw niya.

Pero hindi sila nag-uusap?

“Nag-uusap po kami, nagbabatian naman po kami. Okay naman po kami,” pagklaro niya.

Pero yung talagang tsikahan o usapan ay sa Sunday PinaSaya ba naganap?

“Dito po siguro, oo. Nung pictorial, yes. And yon, nagkaroon kami ng prods [production numbers] together so yon, sa Eat Bulaga! rin.

“Casual, wala naman pong kaso,” detalye pa niya.

Maluwag daw sa loob niya na okay na sila ni Alden.

“Opo! Opo, wala po talagang problema po sa akin,” sabi pa niya.

ALDUB FAN. Aminado si Julie Anne na fan siya ng AlDub, ang sikat na sikat ngayong tandem nina Alden at Yaya Dub [Maine Mendoza] sa Eat Bulaga!

Pag-amin niya, “Yes! I’m actually a fan of AlDub and yon, sana nga po ma-invite namin si Yaya Dub sa show.”

Magkasama sina Julie at Alden sa Sunday PinaSaya kung saan kasama rin sina Ai Ai delas, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, Jose Manalo, Wally Bayola, Jerald Napoles, Valeen Montenegro, Joey Paras at Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

I-eere na ito sa August 9 kapalit ng Sunday All Stars [SAS].

Ito ay sa direksyon ni Rich Ilustre.

MISSING SAS COLLEAGUES. Naging mainstay ng SAS si Julie Anne, at sa pagkakatanggal nito sa ere ay kasama siya sa show na papalit dito, ang Sunday PinaSaya.

Maraming artists ng SAS ang hindi kasama sa Sunday PinaSaya.

May lungkot raw na nadarama si Julie Anne.

“Of course, kasi sa SAS po parang doon nabuo yung friendship naming lahat and we’re super-super close talaga, tapos mawawala sila.

“And iyon, may halong lungkot po talaga, sobrang mami-miss ko,” himutok niya.

Kung may isang taong mami-miss raw ng husto ni Julie Anne sa show, iyon ay si Frencheska Farr.

Rason niya, “Kasi siya po yung parang isa sa mga buddies ko sa showbiz. Iyon, nakakasama ko siya. Parang siya yung pinaka-close ko kasi.”

NO COMPETITION WITH KYLIE. Samantala, wala raw patalbugan sila Julie Anne at Kylie Padilla sa Buena Familia, maliban sa itatakbo ng kuwento ng naturang GMA drama series.

“I think magkakaroon din po kami ng conflict ni Kylie sa Buena Familia,” lahad ni Julie Anne.

Sa acting?

“Wala naman,” tanggi niya.

Wala silang effort na kabugin o talunin ang bawat isa sa pag-arte?

“Naku, wala naman po! Sobrang okay na okay kami ni Kylie.

“And we’re like parang sisters yung turingan talaga namin.

“So yon, everytime na nagte-taping kami, nagkukuwentuhan naman kami and sobrang okay kaming dalawa,” pagmamalaki ni Julie Anne.

May bonding moments na sila?

“Sa set, oo, sa set. Talagang masaya, masaya kasi yung set namin,” giit pa niya.

Sa Buena Familia ay si Jake Vargas ang kapareha ni Julie Anne.

Kumusta na ang loveteam nia?

“Okay naman po kami, marami-rami na po kaming nate-tape na eksena together,” pangwakas na pahayag ni Julie Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN