Kris Aquino transfers voter's registration to Quezon City; says PNoy will not impose who she will vote for in 2016 presidential elections

"He's not the type who will ever impose," says Kris Aquino on brother Pres. Noynoy Aquino's official endorsement for Mar Roxas in the 2016 presidential elections.


Mula sa Makati City, lumipat na ng voting precinct ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa Quezon City.

Kanina, August 2, nagpunta ng Comelec (Commission on Elections) Quezon City Office si Kris upang ayusin ang kanyang residence, biometrics, at ilan pang mga bagay na kinailangan para sa Transfer of Registraion.

#NoBioNoBoto Doing my Transfer of Registration today. 🇵🇭

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onAug 1, 2015 at 6:26pm PDT

Nag-upload ni Kris sa kanyang Instagram ang mga litrato na may caption na: "It was a very educational #NoBioNoBoto Sunday for me. I needed to fill in/ fill out Comelec papers not just for my change of residence/precinct number/city but also for my change of first name, last name, and civil status."

2016 PRESIDENTIAL BET. Nakapanayam ng GMA News at iba pang miyembro ng press si Kris tungkol sa kanyang presidential bet para sa 2016 elections.

Matatandaang pormal nang inendorso ng kapatid nito na si Pres. Noynoy Aquino ang former Department of Interior and Local Goverment (DILG) Secretary na si Mar Roxas nitong nakaraang Biyernes, July 31, sa meeting ng Liberal Party [LP] sa Club Filipino.

Ayon sa ulat ng GMA News, hindi raw igigiit ni PNoy sa kanilang magkakapatid kung sino ang dapat nilang iboto.

Aniya, "Mahaba ang pinag-usapan namin ng brother ko.

"He's not the type who will ever impose."

Una nang nag-anunsiyo ang kanyang mga kapatid ni Kris na sina Ballsy Aquino-Cruz at Pinky Aquino-Abellada sa panayam nito sa 24 Oras na susuportahan nila kung sino man ang ieendorso ni P-Noy.

Sa tanong kung susuportahan ba niya si Mar, sagot ni Kris, "Ganito na lang, ah, if I will not support the candidate of my brother, I'll shut up."

Sinabi rin ni Kris na alam ni PNoy na espesyal para sa kanya ang veteran actress na si Susan Roces, ang ina ni Senator Grace Poe.



FRIENDS WITH THE BINAYS. Samantala, kinumpirma ni Kris na malapit pa rin silang kaibigan ng mga Binay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa si Vice President Jejomar Binay sa inaasahang tatakbo sa darating na eleksyon para sa United Nationalist Alliance (UNA) at makakalaban ni Mar Roxas bilang president.

Pahayag ni Kris, "We were never naman in the same ticket but my sisters and I are very good friends [with them].

"In particular, his daughter and private secretary, Anne, is really a good friend and we've maintained our friendship."

Dagdag pa ni Kris, "I don't think naman na may lamat kasi wala namang sinabi si Noy na super evil, 'di ba? And from the start naman they knew where Noy's heart was."

Matatandaan na noong 2014, lumabas ang balitang susuportahan ni Kris kabilang sina Ballsy at Pinky si Vice President Binay sa susunod na eleksyon.

Ngunit nang lumabas ang balitang ito, nakatanggap daw ng mahabang "lecture" si Kris mula sa kanyang kuya.

Kuwento ni TV host, "When I turned on my phone, ang haba na ng lecture ni brother so I remember that very distinctly...

"Sabi ko, 'I'd like to apologize if I put you [PNoy] in a bad light.'

"Sabi ko, 'You know there were certain words that were taken out of context and at the end of the day, alam mo naman na ikaw ang susundin ko.'"

Ngunit inamin ng Aquino & Abunda Tonight host na nasasaktan siya para sa kapatid sa tuwing magbibigay si Vice President Binay ng mga pasaring tungkol sa administrasyon ng kanyang kapatid.

"Hindi ninyo maalis na when he attacks my brother, it hurts and I'm sure when Noy says stuff, they get hurt pero siguro I'd like to really believe that our friendship will survive."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN