Mike Tan admires co-star Carla Abellana's professionalism

Mike Tan on No Boyfriend Since Birth co-star Carla Abellana: “Siya yung very open na hindi ko nakita na parang, 'Sino ba ‘to? Bakit ko siya ka-partner?' Hindi ko yun nakita sa kanya.”


Sa pocket presscon niya kamakailan na ginanap sa Victorino’s Restaurant, tinanong ng PEP.ph [Philippine Entertainment Portal] si Mike Tan kung hindi raw ba ito mismong personal na natatanong sa sarili kung bakit tila naunahan pa siya ng ilang mas baguhang Kapuso actors na ni-launch bilang leading man.

Nariyan sina Miguel Tanfelix at Ruru Madrid, na pareho nang gumanap ng lead roles.

Ayon kay Mike, “Tingin ko naman hindi naman kami pare-parehas.

“Sina Ruru, mas bata yun. Iba pa rin naman ang inu-offer namin. Yung inu-offer ko naman, yung talent, siguro a more mature leading man.

“Pero kung gusto nila akong gawing [love] triangle, okey rin,” natawang biro niya.

LACKS CONTROVERSY? May nagsabi kay Mike na mukhang kulang daw siya sa kontrobersiya.

Sa aspetong yun, ano ang masasabi niya?

Pag-aanalisa ni Mike, “Noong dati po, pinag-iisipan ko ‘yan. Gigimk ba ko? Gagawa ba ko ng ingay?

“Pero napaisip ako na worth it ba na isakripisyo ko ang tingin sa akin ng mga tao o panindigan ko kung sino talaga ko and then, I’ll wait kung ma-appreciate ako ng tao?

“Na maipakita ko lang talaga sa kanila na, ‘Eto 'ko, ganito akong klaseng tao, gagawin ko kung ano ang best ko.'

“Siguro naman kung ginawa mo ang best mo at hindi ka nila na-appreciate, there’s something wrong.

“But I guess, yung nangyayari ngayon, yung ginagawa ko ang best ko, siguro hindi man yung ine-expect na ganun kabilis, pero naa-appreciate ako ng pakonti-konti and everytime na may ginagawa ako, tumatatak yun.

“Slowly but surely yung nangyayari.”

REPRISING GAY ROLE? Nagkaroon ng screen test/audition si Mike para sa panibagong serye sa Kapuso network.

Sana nga raw ay makuha niya ang naturang karakter na magiging panibagong hamon sa kanya bilang actor.

Kung susunod niyang karakter, bading ulit, okey lang sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sige, kung doon nila nakikita, e.

“Pero sana, hindi na tulad ng Paul Tanchingco sa The Rich Man’s Daughter. Kung gusto ng bading, ibigay na natin.

“Kasi kung discreet lang ulit, parang si Paul Tanchingco lang ang makikita nila. Kung bibigyan nila ng [ako ng] bading [role], e ‘di bading na natin? Pero sana hindi rin naman yung bading na palaging pinapakita sa TV,” asam niya.

May kissing scene at love scene ba si Mike?

“Parang hindi naman ipinapakita sa national TV yun,” saad niya.

Kaya matapang siya?

“Kaya matapang ako,” natawa niyang sabi.

Pero kung indie movie na may ganung intimacy, payag ba siya?

“Kung indie, sige, kasi may napanood akong movie kamakailan lang, it’s a gay film, yung Milk.

“Kung ganun kaganda ang story, bakit hindi? Para maipakita mo.

“Nakakagulat yung ginawa nila sa subway.”

INDIE FILM. Bukod sa tinatapos niyang pelikula sa Regal Films ngayon, ang No Boyfriend Since Birth kasama sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, may gagawin din siyang indie film na ang titulo ay Panginoong Diyos-Diyosan.

Ayon kay Mike, “Maganda talaga ang script, nabasa ko. Galing ako sa mula estyudyante hanggang sa naging presidente ng Pilipinas, pero corrupt.

“Maganda talaga siya dahil yun ang talagang nangyayari sa bansa natin.”

IN PRAISE OF CARLA. Masaya siya na katrabaho si Carla.

“She’s very professional. She also acts at iba rin siyempre yung pinagsamahan namin sa first soap namin.

“Siya yung very open na hindi ko nakita na parang, 'Sino ba ‘to? Bakit ko siya ka-partner?'

“Hindi ko yun nakita sa kanya.

“Nahihiya kasi akong hawakan siya, yakapin siya. Ako naman, gusto ko lang umarte.

“Pero siya naman, ipinakita niya sa akin na kung yayakapin mo 'ko, yakapin mo 'ko.”

May ganun talagang artista?

“May takot kasi ako. Ayokong masampal,” natawang sabi ni Mike.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN