Mikael Daez on how he maintains constancy with rumored GF Megan Young: “It’s knowing you’re a real friend.”

Mikael Daez narrates how communication plays an important role in maintaining constancy with special friend Megan Young: “Kapag alam mo naman yun kahit anong mangyari, kahit hindi kayo mag-usap for one year, two months, one month. It happened naman, hindi ko siya nakikita. Pero sa communication, madali namang mag-communicate ngayon dahil sa Viber, Line, social media.”


Inaasahan na raw ni Mikael Daez na sa bawat interview sa kanya ng entertainment press ay hindi puwedeng hindi itanong sa kanya ang nababalitang girlfriend niyang si Miss World 2013 Megan Young.

Gaya nga nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng GMA primetime series na My Faithful Husband, noong Biyernes, July 31, sa Studio 7 ng GMA Network.

“Alam ko na, alam ko na ‘yan...” natatawang reaksiyon ni Mikael nang mabanggit namin ang pangalan ni Megan.

Hindi ganun ka-open si Mikael kapag tinatanong siya tungkol kay Megan.

Pero gaano nga ba sila kalapit sa isa’t isa? Kailan ba sila nagkakilala?

Estima ni Mikael, “I think, after mag-graduate sa college, 2010 siguro.”

Biniro namin si Mikael na matagal na pala silang magkakilala, at saka namin hiniritan ng: How do you keep the music playing?

“I-masking tape mo lang ang play button to keep the music playing!” natatawang sagot naman ni Mikael.

Pero paano nga ba nila napapanatili ang pagiging malapit nila sa isa’t isa? Nandiyang nawala na si Megan, naging Miss World na ito at bumalik?

“Di ba? Ang dami nang nangyari!” natawang pagsang-ayon ni Mikael.

Biro pa niya, “Ang dami nang nanumbat!

“But, I think, it’s knowing you’re a real friend.

"Kapag alam mo naman yun kahit anong mangyari, kahit hindi kayo mag-usap for one year, two months, one month.”

Hindi naman nangyari na hindi sila nagkakausap ng isang buwan?

“It happened naman, hindi ko siya nakikita.

“Pero sa communication, e, madali namang mag-communicate ngayon dahil sa Viber, Line, social media.

“Pero yung physical interaction, ako, I’m very focused with work now.

"Every day akong nagtatrabaho. May Ismol Family ako, Midnight Express, so okey lang sa akin na work nang work.

"My friends, I’ll see [them] some other day na lang.”


MARIMAR. Ano naman ang masasabi ni Mikael na si Megan ang gaganap bilang bagong Marimar at sa kapareha nitong si Tom Rodriguez?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Kapuso hunk “I’m very happy for them.

"Si Tom, kilala ko ever since Temptation Island; [he's] one of my very first friends.

“And then, Megan has been a friend for a very long time and ang laking bagay na ibinigay sa kanila ng GMA ang Marimar.

"Naniniwala ako na mabibigyan nila ng hustisya ang project na yun."

Sa isang banda, nang malaman ni Mikael na si Megan ang gaganap na Marimar, hindi ba niya hinangad na sana siya na lang ang gumanap bilang si Sergio Santibañez, ang love interest ni Marimar?

Sagot ni Mikael, “Hindi. Ako naman, alam n'yo naman ako, kahit anong work na mapadaan, go lang ako nang go.”

Hindi ba nila napag-usapan ni Megan na siya na lang sana ang gumanap na lalaking bida?

“Well, kung mangyayari, mangyayari.

"But with this one, walang regret 'yan, kasi hindi naman kami ang may hawak nun.

“Hindi naman ako ang may hawak kung saang teleserye ako mapupunta.

"Wala yun sa kamay ko, sa GMA yun.

"At happy na lang ako na may serye ako ngayon," pagtukoy ni Mikael sa My Faithful Husband.


WORKING WITH MEGAN? Hindi pa man umeere ang Marimar, may mga nagsasabing puwede raw ma-threaten ang tambalang Mikael at Carla Abellana, na nali-link naman kay Tom, dahil sa Marimar.

Reaksiyon ni Mikael, “No, I don’t think that naman.

“I think very focused din sila sa work.

"Siyempre, may pressure 'yan na ibinibigay ng network, and yung natural na pressure ng isang malaking proyektong ganun.

“I’m sure, they’re very focused with their work and I’m very focused with my work, so whatever happens will happen.”

Dahil nga pareho naman silang Kapuso ni Megan, nakikita ba ni Mikael ang posibilidad na pagtambalin sila ng kanyang rumored girlfriend pagkatapos ng mga teleserye nila ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Well, I think, kahit ano naman possible.

"Kung mangyari yun, I think it’s a nice experience.

“I’ve never worked with Megan Young ever.

"I’ve worked with Lauren Young, Andrea [Torres], Marian Rivera, Jennylyn Mercado, but never with Megan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN