Lovi Poe on supporting Senator Grace Poe's political plans in 2016: “I’m just one call away.”

Lovi Poe on settling down: “Hindi pa oras. Siyempre ang gusto talaga namin is self-fulfilment first. Marami pa kaming gustong gawin sa buhay, as individuals.”


Maraming tao ang pinu-push na tumakbong Pangulo ng Pilipinas ang half-sister ni Lovi na si Senator Grace Poe.

Ano ang masasabi ni Lovi tungkol dito?

“Well, I’m really happy for her because a lot of people believe in her.

“And I really don’t know what her decision is. But then, whatever naman she wants to do, I’ll just be here.

“I’m just one call away,” sabi ng Kapuso actress.

Kung sa kanya hihingi ng advice si Senator Grace, ano ang ipapayo ni Lovi rito?

“Well, I’m not a position kasi to say anything about it.

“I dunno, e. I mean, I’m aware of what’s happening, pero I’m not the right person to talk to when it comes to politics.

“But then, wala. Parang whatever talaga she does, I’m just a call away,” ulit pa niya.

Si Lovi raw ay walang planong sumabak sa pulitika.

Rason niya, “I can serve the people siguro in other ways.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi sa press conference ng bagong GMA primetime series na Beautiful Strangers noong July 28.

ROCCO'S PROPOSAL. Sa trailer ng Beautiful Strangers ay may eksenang nag-propose ng kasal si Rocco Nacino (bilang Noel) kay Lovi Poe (bilang Joyce/Lea).

Kaya tinanong namin si Lovi kung sa tunay na buhay ba ay hindi pa nagpu-propose sa ang boyfriend na si Rocco.

“Wala, sa eksena lang!” tawa ng Kapuso actress.

Ayaw pa rin ba niyang mag-asawa?

“Hindi pa oras. Siyempre ang gusto talaga namin is self-fulfilment first.

"Marami pa kaming gustong gawin sa buhay, as individuals," sabi niya.


QUALITY ROLE. Bago ang Beautiful Strangers ay ang Ang Dalawang Mrs. Real ang drama series ni Lovi.

Worth the wait naman daw ang Beautiful Strangers na eere na simula sa August 10.

Sabi ni Lovi, “Kasi, parang ako, it’s always about how good the story is; the quality plus the people I work with.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, yung makasama namin si Christopher de Leon, Ms. Dina Bonnevie sa isang mabigat na drama pa.

“Parang dream come true yun kasi hindi siya basta-basta.”

Marami raw pagdadaanan ang karakter ni Lovi.

“Siguro ang pinakabago para sa akin is mag-portray ng taong-grasa. First time yun.

"Parang isa nga siyang role na hindi ko akalain na pangarap ko pala gawin.

“Ganun kaganda yung character.”

Kumusta naman ang rape scene nila ni Christopher de Leon?

Kuwento ni Lovi, “It was a very good scene!

“Nag-usap kami ni Sir Boyet [Christopher's nickname] before making it.

“Sabi namin, kailangan naming pagandahin kasi nga, sa script, parang it was very good.

"But then, we had to talk about it para mag-sync kami together.

"So, may mga parts dun na dinagdagan namin ng mga gagawin para mas intense,” sambit pa niya.


SAS CANCELLATION. Hiningan din namin si Lovi ng kanyang saloobin tungkol sa pagkawala sa ere ng Sunday All Stars, kung saan isa siya sa mga host.

Finale episode na ng SAS nitong Linggo, August 2, at papalitan ito ng Sunday PinaSaya simula sa August 9.

“Siyempre parang marami akong mami-miss na mga tao. It’s been a habit na rin.

“Pero, of course, in every ending, there’s always a new beginning and something good will eventually come out of it.”

Ikinagulat ba niya noong nalaman niyang tatanggalin na ang Sunday All Stars?

“Parang it’s breaking a habit, e. So siyempre nagulat din ako,” sabi ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN