Joey Paras has no regrets about Bekikang's dismal box-office performance; forever grateful to Direk Wenn Deramas

Joey Paras says he's eternally grateful to Direk Wenn Deramas for giving him his big break in Bekikang, despite its dismal box office performance: “Si Direk Wenn ang nagpumilit at gusto niya talaga na ako ang gaganap sa Bekikang. Pinaglaban niya ako sa Viva Films para sa project na yon.”


Hindi raw pinagsisihan ng gay comedian na si Joey Paras na tinanggap niyang magbida sa comedy film na Bekikang noong 2013.

Kahit na ang box-office director na si Wenn Deramas ang nagdirek nito, hindi kumita as expected ang naturang pelikula.

Pero malaki pa rin ang naging pasasalamat ni Joey dahil sinugalan siya sa unang pagbida niya.

“Habambuhay ang pasasalamat ko kay Direk Wenn at sa Viva Films dahil binigay nila sa akin ang break na iyon.

“Sa totoo lang, hesitant pa akong tanggapin yun noon dahil kebagu-bago ko pa 'tapos biglang title role na agad.

“Si Direk Wenn ang nagpumilit at gusto niya talaga na ako ang gaganap sa Bekikang. Pinaglaban niya ako sa Viva Films para sa project na yon.

“Hindi talaga siya kumita ng bongga, hindi tulad ng mga ibang pelikula ni Direk Wenn. Pero hindi rin naman siya super-flop. Tamang-tama lang ang kinita niya.

“Ang maganda pa ay magaganda ang reviews ng movie.

“Hindi nga lang na-meet ang expectations ng marami.

“Pero over-all masaya ako na ginawa ko yung Bekikang. Kapag pinalabas na siya sa TV, marami ang nakakapanood at natatawa sila.

“'Tapos may magandang mensahe pa ang movie para sa mga beki na nangarap na magkaroon ng sariling pamilya.

“Yun naman ang purpose natin sa trabahong ito, ‘di ba? Yung makapaghatid tayo ng saya sa marami despite of all the problems sa bansa natin.

“Kumita man siya o hindi, tuloy tayong mabubuhay,” pahayag pa ni Joey nang makapanayam siya ng PEP.ph [Philippine Entertainment Portal] last July 30 sa press launch ng Sunday PinaSaya sa GMA Network Center.

CAREER HIGHLIGHTS. Sa teatro nagsimula si Joey sa edad na 19. Naging miyembro siya ng CCP Bulwagang Gantimpala Theater Foundation.

“Sa teatro talaga ako natuto ng disiplina, kaya ina-apply ko lahat ng natutunan ko sa teatro sa pagpasok ko sa TV at pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, isa na ako sa mga nagiging workshop instructor ng theater group.

“Sine-share ko naman sa mga baguhan ang mga natutunan ko sa mga batikan na theatre thespians tulad nila Tony Espejo, Ama Quiambao, Irma Adlawan, Spanky Manikan at marami pang iba.”

Nagpakita ng kanyang husay sa pag-arte si Joey sa mga indie films na Last Supper No. 3, Bwakaw, Bahay Bata, Dance of the Steel Bars at Babagwa kung saan napanalunan niya ang Best Supporting Actor award sa Cinemalaya 2013.

Napasok din niya ang mainstream cinema sa mga pelikulang Sisterakas, Momzillas, Bromance, Maria Leonora Teresa at Moron 5.2.

Naging suki na rin si Joey sa mga teleserye ng GMA-7 at ABS-CBN 2.

“Nakakagawa ako ng mga teleserye both sa Kapuso at Kapamilya network kasi wala naman akong exclusivity.

“With GMA, I did Ikaw Sana, The Last Prince, Daldalita, Hindi Ka Na Mag-iisa, I Heart You Pare and Sinner or Saint.

“Sa Dos [ABS-CBN] ginawa ko Maging Sino Ka Man, Dahil May Isang Ikaw, Kahit Puso’y Nasugatan and Flordeliza.”

SUNDAY PINASAYA. Ngayon ay kasama si Joey sa musical-comedy-variety show na Sunday PinaSaya ng GMA-7.

“I think first time na may ganitong show na pang-noontime. At first time ko rin na gumawa ng ganitong klaseng show.

“Nakakatuwa kasi mga magagaling na comedians ang kasama namin dito like Ai-Ai delas Alas, Jose Manalo, Wally Bayola at Jerald Napoles.

“'Tapos panghatak sa mga fans sila Marian Rivera, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza at Alden Richards.

“Kaya ang masasabi ko ay kumpletos rekados ang show na ito. May kantahan, sayawan at walang katapusang kasiyahan tuwing Linggo,” pagmamalaki niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN