Laguna beauty Leren Mae Bautista wins Mutya ng Pilipinas 2015

The winners of Mutya ng Pilipinas 2015: (L-R) Mutya ng Pilipinas Tourism Planet 2015, Julee Ann Marie Bourgoin; Mutya ng Pilipinas-Tourism International Janela Joy Cuaton; Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific International Leren Mae Bautista; Mutya ng Pilipinas-Overseas Communities Nina Jose Robertson (right).


Namukod-tangi ang taga-Laguna na si Leren Mae Bautista mula sa 30 kandidata at nasungkit ang Mutya ng Pilipinas-Asia Pacific International title sa ginanap na Mutya ng Pilipinas 2015.

Ginanap ang coronation night sa Newport Theatre, sa Resorts World Manila, Pasay City, nitong Linggo, August 2.

Nakuha rin ni Leren Mae ang Best in Swimsuit award sa pre-pageant competition na ginanap sa Palawan noong July 22.

Bukod kay Leren Mae, ang dalawa pang titleholders ay sina Janela Joy Cuaton ng Doha, Qatar (Mutya ng Pilipinas-Tourism International) at si Nina Jose Robertson ng Australia (Mutya ng Pilipinas-Overseas Communities).

First runner-up si Julee Ann Marie Bourgoin ng Cagayan de Oro at 2nd runner-up naman si Brenna Cassandra Gamboa mula sa Nueva Ecija.

Narito ang buong listahan ng nakapasok sa Top 10:


Brenna Cassandra Gamboa
Aislinn Anne Sebastian
Kerlyn Horn
Julee Ann Marie Bourgoin
Shannon Rebecca Bridgman
Nina Josie Robertson
Jessa May Delprete
Jessica Rose McEwen
Leren Mae Bautista
Janela Joy Cuaton

Naging hosts ng Mutya ng Pilipinas 2015 ang magkakapatid na sina Ruffa, Raymond, at Richard Gutierrez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN