Mark Anthony Fernandez says son Grae is mature enough to understand his separation from wife Melissa

Mark Anthony Fernandez: “Sa ngayon, ayaw ko nang tumingin sa nakalipas ko. Mas gusto ko na lang magpakabuti na lang, magpaka-mature, magtrabaho, kumbaga. Dati, ayaw kong magtrabaho, pero ngayon, gustung-gusto ko na nang trabaho.”


Bagamat iwas sa simula si Mark Anthony Fernandez na pag-usapan ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na nagngangalang Diana, isang modelo, ay nagsalita pa rin ang aktor kahit paano.

“Secret, secret! Sa showbiz-talk show ko na sasagutin ‘yan, sa live guesting,” sabi ni Mark nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Manila’s Finest, na ginanap sa Mowelfund, Quezon City, noong Sabado, August 1.

Pero inamin ng aktor na isang taon na ang relasyon nila.

Balita ring sa Pampanga na nakatira si Mark para mapalapit siya sa bago niyang girlfriend.

Paano na ang kasal nila ng misis niyang si Melissa Garcia? Ipinapa-annul na ba nila ito?

Ayon kay Mark, “Wala pa dun, pero kumbaga, mutual understanding.

“At saka, respeto rin naman kay Melissa siyempre.

“Ang maganda kay Melissa, mabait.”

Hindi ba ito isyu sa kasalukuyan niyang girlfriend?

Sabi ni Mark, “Hindi naman, hindi naman.

“Sa ngayon, ayaw ko nang tumingin sa nakalipas ko.

“Mas gusto ko na lang magpakabuti na lang, magpaka-mature, magtrabaho, kumbaga.

“Dati, ayaw kong magtrabaho, pero ngayon, gustung-gusto ko na nang trabaho.”

May pinagsisihan ba siya sa mga nagawa niya noon?

“Ako, naniniwala ako na on to good lang yung mga nangyari before.

“Mabuti na lang nandiyan ang tatay ko, na hindi talaga ako pinabayaan.

“Talagang lagi niya akong mini-mentor para maging isang mabuting lalaki.”

Si Mark ay anak ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez sa actress-politician na si Alma Moreno.


MARK’S SON. Kumusta naman ang relasyon niya sa panganay na anak nila ni Melissa na si Grae Fernandez, na nag-aartista na rin ngayon sa bakuran ng ABS-CBN?

Saad ng 36-year-old actor, “Okay naman…

“Nagkita kami ni Grae, sinabi ko naman sa kanya at in-explain ko kahit papaano.

“Short and simple ang pag-uusapan namin.

“Basta… na ganun nga… sa amin na lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo naluha siya nang konti, pero si Grae, mature naman 'yan.e.

“At saka, may tiwala naman ako sa batang ‘yan.

“Kahit noon, 'pag sinasabihan ako ni Melissa na, ‘Ba't 'di mo tinuturuan ng basketball si Grae?'

“E, ang galing mag-Lego nun! Lego champion 'yan noong bata pa 'yan.

“Tiwala ako, kahit hindi mo turuan, kaya niyang gawin ang gusto niya.”

RETURN OF ACTION FILMS. Samantala, nagpapasalamat si Mark na sa pamamagitan ng Manila's Finest, na ire-release ng Viva Films, ay muling ibinabalik ang action genre na matagal nang nananamlay sa local film industry.

Maging ang tiwala ng mga producer sa kanya ay binigyan niya ng halaga.

Saad ni Mark, “Nagpapasalamat ako na pinagkatiwalaan nila ako sa proyektong ito—si Direk Wiliam Mayo, si Jeric Raval, at yung iba pang kasama sa movie na ito.

“Nagpapasalamat nga rin ako, kasi nandun yung intensiyon nilang muling buhayin ang mga peikulang aksiyon, na alam natin na matagal nang... bibihira na kasi ang nagpu-produce ngayon.

“Sana, sa pamamagitan ng movie na ito, maibalik yung sigla, kasi kakaunti na talaga o halos wala na nga.

“Kahit sa TV, parang part na lang siya ng mga eksena, pero wala na talaga yung focus dun.

“Sa pag-aaral ko, dahil siguro nag-click angTV, o kulang din sa magagandang pelikula, kaya ganun.

“Pero ito… matindi ito.”

Masaya rin si Mark na naipagpapatuloy niya ang naiwang legacy ng kanyang yumaong ama.

“Ang akin lang, iniisip ko na lang lagi, na kumbaga, ako ang continuation ng ano ng ama ko.

“Marami pa ring nagmamahal sa legacy ni Daboy.

“Sana, tangkilikin ulit nila ang pelikulang ganito, na maging parte ng Sunday lakad nila, o Saturday pasttime nila.

“Alam mo ako, nung araw, ang dami kong pera na naubos sa panonood ng sine, dahil yun ang regular kong ginagawa.

“Na-instill na sa akin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN