Bangs Garcia on relationship with her Filipino-British boyfriend: "Meant to be..."

Was it love at first sight for Bangs Garcia and boyfriend Lloyd Birchmon? She admits, "Parang ganun... Nagkita pa lang kami from afar, parang may konek na kaagad. Hindi pa kami magkakilala, pero may feeling na ako na siya na."


Tila kulay rosas at amoy-Europa ang lovelife ngayon ng sexy actress na si Bangs Garcia.

Kagagaling lang niya noong isang linggo mula sa London, matapos niyang paunlakan ang imbitasyon ng kanyang boyfriend na isang half-Pinoy, half-British.

Ito pa raw mismo ang bumili ng tiket para kay Bangs.

Ang pangalan ng boyfriend ni Bangs ay Lloyd Birchmon.

Isang property developer si Lloyd na kadalasan ay nasa iba't ibang bansa, kaya isa raw itong long-distance love affair na pinagtutulungan nilang maging maayos.

Naipakilala na raw ni Bangs si Lloyd sa pamilya niya sa Davao, at naipakilala na rin ng Fil-Brit ang aktres sa kanyang pamilya sa London.

Sa presscon ng pelikulang Manila's Finest, na ginanap sa Mowelfund noong August 1, nagkuwento si Bangs sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media tungkol sa kanyang Filipino-British boyfriend.

January nitong taon daw sila unang nagkakilala, pero nitong March lamang naging opisyal ang kanilang relasyon.

Pahayag ni Bangs, "I' m very proud of him, and I'm very interested in his job.

"It amazes me kapag nag-uusap kami, kapag nakikita ko yung trabaho niya.

"Kapag nagsi-send siya ng mga update sa mga ginagawa niya, sobrang proud ako, kasi ang hirap talaga.

"All-around siya na parang architect siya and at the same time designer din siya.

"Never married, and he's my first Brit guy ko."

Saan at paano ba sila nagkakilala?

Nakangiting pagbalik-tanaw ni Bangs, "Matatawa kayo… sa Boracay.

"Meant to be, kasi dapat sa Paris siya, until he decided na sa Boracay na.

"Hindi ito yung party-party sa Boracay, kasi ayaw ko nang ganun.

"Sa beach lang, ganun, siya ang nag-approach.

"Pero nung nagkatinginan na kami, alam na namin na we're meant to be.

"Hindi pa kami magkakilala, pero may feeling na ako na siya na."

Love at first sight ba ito?

Ani Bangs, "Parang ganun, para kaming best friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagkita pa lang kami from afar, parang may konek na kaagad, ganun."

Kasunod ito ay ipinakita ni Bangs sa amin ang Instagram posts ng mga larawan nilang dalawa.

#FlashbackFriday #PEARLFARM #DavaoCity #BeachLovers 🐶🐼 #valloydi

A photo posted by Bangs Garcia (@valeriebangsgarcia) onJul 9, 2015 at 10:28pm PDT



NOT INSECURE. Hindi ba nangangamba si Bangs, na dahil hindi sila madalas na nagkikita ay makahanap ng iba si Lloyd?

Bukod pa rito, napakaguwapo ng kanyang boyfriend?

Sabi ni Bangs, "Insecure? Hindi, I leave everything to God.

"We put God in the center of our relationship.

"Ilang months pa lang kami, pero parang ayaw na kaming paghiwalayin."

Mabuti nga raw ay hindi siya nito pinatitigil sa pagsu-showbiz.

Giit ng sexy actress, "Ay, hindi, hindi siya ganun, very supportive siya.

"Pero gusto ko na ring maging businesswoman, gusto kong mag-enter ng real estate.

"At saka yung painting business ko, nagiging ano siya, marami na ang bumibili."

Ibig bang sabihin nito, sarado na ang kanyang puso sa Pinoy admirers niya?

Sagot ni Bangs, "Yes.

"Wala naman akong against sa Pinoys, pero nagkataon lang.

"Siguro din, yung mentality ko, pang-ganun.

"Ayaw ko namang... pero British men are more marture, and hardworking for me.

"Actually nga, first time ko ito.

"Yung kay Phil [Younghusband] nun, date-date lang yun.

"Parang siya pa nga ang nag-jumpstart nito, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN