Volleyball player Alyssa Valdez denies being third party in Kiefer Ravena-Mika Reyes split

Alyssa Valdez on handling bashers and haters: "If there’s no basher, you won’t know yung mali… I mean, hindi naman yung mali sa iyo. I think it’s also a reminder na tao ka pa rin, na you really have to stay grounded din. So, I think it’s really a balance. And criticism naman dapat ite-take mo siya as a challenge para i-push mo yung sarili mo na to be better, like kung kini-criticize kung pangit yung laro mo, di ba?"


Mariing pinabulaanan ng multi-awarded volleyball player na si Alyssa Valdez ang tungkol sa third party issue, kung saan nadadawit ang pangalan niya sa hiwalayan ng basketball player na si Kiefer Ravena at ng dati nitong girlfriend na volleyball player din na si Mika Reyes.

Diumano, kay Alyssa raw nali-link ngayon si Kiefer.

Pahayag ni Alyssa, “Grabe, hindi po, hindi po totoo talaga.

“We’re really good friends [ni Kiefer] when I entered Ateneo.

“So, I think that’s it. Wala naman po.”

Si Alyssa ay miyembro ng volleyball varsity team, ang Ateneo Lady Eagles; habang si Kiefer naman ay miyembro ng basketball varsity team, ang Ateneo Blue Eagles.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Alyssa sa media lunch ng mga napiling ambassadors ng PLDT Home Ultera na ginanap ngayong araw, Agosto 3, sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

Collectively known as Ultera Barkada, kasama ni Alyssa bilang ambassadors ang iba pang volleyball players na sina Rachel Daquis, Jaja at Dindin Santiago, Ara Galang, Mika Reyes, John Vic De Guzman, at Peter Torres.

Bukod kay Alyssa, tanging sina Jaja, Dindin, at Peter lang ang dumalo sa media launch.

May ibang schedules at commitments daw ang ibang ambassadors.

Present din sa event ang PLDT Vice President at Home Marketing Head na si Gary Dujali.

MIKA NO-SHOW. Nabanggit nga na isa sa ambassadors ng PLDT Home si Mika.

Dahil no-show si Mika sa media launch kanina, may kinalaman kaya ang intriga sa kanila o umiiwas ito kay Alyssa kaya hindi ito nagpunta?

Sabi ni Alyssa, “I don’t think so po.

“Everyone naman po has commitments and, as an athlete, we have to be responsible sa mga commitments namin.

“Kailangan niya talaga yata… Ara and Mika, may training po talaga yata po sila.”

May ilangan ba sa kanilang dalawa ni Mika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala po, we’re good friends outside po,” tanggi ni Alyssa.

How about sa kanila ni Kiefer?

“Wala po. Wala naman po talagang issue, e.

“Naaano lang siguro… pero we’re all good friends.

“Everything’s okay naman po,” diin ni Alyssa.

Ayaw raw isipin ni Alyssa ang mga intriga. Sa halip ay gusto raw niyang mag-focus sa paglalaro at pag-aaral.

“We’re all focusing sa volleyball and sa studies namin ngayon. Ako, last year ko na [sa Ateneo].”

Hindi ba magugulat ang mga tao kung sa future ay bigla silang umamin ni Kiefer?

“Wow, ako yung nagulat!” bulalas niya.

“Wala naman po [aaminin], wala.

“We’re friends po, so let’s ano na lang po [leave it that way]...”

HANDLING INTRIGUES & BASHERS. Bilang hindi naman siya taga-showbiz, uncomfortable ba si Alyssa kapag nai-involve siya sa mga intriga at natatanong tungkol dito?

Aniya, “Siguro more of nagugulat lang.

“Siyempre hindi naman po kami sanay na nai-interview din masyado.

“Pero I think kaya naman pong i-handle.

“We’re all good friends naman po inside and outside the court.”

Paano naman niya hina-handle ang bashers sa social media?

Sabi ni Alyssa, “I think it’s a balance, e.

“If there’s no basher, you won’t know yung mali… I mean, hindi naman yung mali sa iyo.

“I think it’s also a reminder na tao ka pa rin, na you really have to stay grounded din.

“So, I think it’s really a balance.

“And criticism naman dapat ite-take mo siya as a challenge para i-push mo yung sarili mo na to be better, like kung kini-criticize kung pangit yung laro mo, di ba?

“Tine-take namin siya as positive na lang, kasi hindi mo rin siya maiiwasan.

“Well, marami rin namang nagmamahal, so siguro it’s better to really focus on that, doon sa lahat ng positive things.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE ENDORSEMENTS & SHOWBIZ. Ang PLDT Home Ultera ay hindi unang endorsement ni Alyssa.

Pero ano ang pakiramdam na nadagdagan na naman ang endorsements niya?

Saad ng volleyball player, “Well, I’m really happy na I’m with my co-players naman.

“Siguro what I can say talaga is it’s really related to volleyball, that’s why sobrang fun lang.

“Sobrang saya ng endorsement kasi I’m with all my friends talaga, sobrang barkada lang talaga lahat.

“So, thankful, very blessed.”

Bukod sa endorsements, open ba siya sa pagpasok sa showbiz?

Sagot ni Alyssa, “Kung bibigyan po ng opportunity, why not po?

“It’s really a new challenge for us kung bibigyan kami ng chance na pumasok [sa showbiz].

“It’s a new world for us, so kung bibigyan po, bakit hindi naman po, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN