Louise delos Reyes distances herself from Alden Richards to avoid being bashed by AlDub fans

Louise delos Reyes on playing supporting role in My Faithful Husband: “Hindi naman po sa lahat ng pagkakataon ay bida po tayo. Darating din ang time na may iba namang magbibida. Ganun lang po talaga ang buhay natin sa trabahong ito. Kaya ayoko pong mag-expect masyado dahil baka ma-frustrate lang po tayo. Ang importante po ay meron po tayong trabaho ulit.”


More than a year nang hindi nakakapagbida sa isang teleserye ang Kapuso actress na si Louise delos Reyes.

Huli siyang nagbida sa telefantasyang Kambal Sirena na natapos noon pang June 2014.

Pero wala naman daw reklamo si Louise dahil nananatili siyang loyal sa GMA Network.

Pahayag niya, “Malaki po ang utang na loob ko sa GMA-7.

“Sila po ang nagbigay sa akin ng pagkakataong magbida. Hindi ko po makakalimutan iyon.

“Kung hindi man nila ako mabigyan ngayon ng pagbibidahan na teleserye, kuntento naman ako sa mga ibinibigay nilang guestings sa akin sa iba’t ibang shows.”

Kabilang si Louise sa cast ng upcoming primetime series na My Faithful Husband, kung saan bida sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Isang supporting role ang binigay kay Louise dito bilang kapatid ni Jennylyn.

May mga nagsabing sana ay hindi niya tinanggap ang mag-support sa naturang teleserye dahil ilang beses na siyang nagbida sa panghapon at primetime block ng Kapuso network.

Sabi ni Louise tungkol dito, “Hindi naman po sa lahat ng pagkakataon ay bida po tayo.

“Darating din ang time na may iba namang magbibida. Ganun lang po talaga ang buhay natin sa trabahong ito.

“Kaya ayoko pong mag-expect masyado dahil baka ma-frustrate lang po tayo.

“Ang importante po ay meron po tayong trabaho ulit.”

Dagdag niya, “Kahit na po support ako dito sa My Faithful Husband, okey lang po dahil sila Jennylyn at Dennis naman ang mga bida.

“First time ko po kasing makatrabaho si Ate Jen na isa sa mga hinahangaan ko noong nagsisimula pa lang ako sa showbiz.

“Natuwa po ako noong i-cast ako na kapatid niya sa teleserye.

“Matagal ko na rin pong gustong makasama sa isang show si Kuya Dennis. Galing na galing ako sa kanya bilang isang aktor.

“Kaya okey lang po na support ako sa kanilang dalawa. Dream come true ang makasama sila sa iisang show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALDUB FAN. Samantala, masaya raw si Louise para sa dating ka-loveteam niyang si Alden Richards sa inaani nitong popularity dahil sa loveteam nito with Maine Mendoza, o mas kilala bilang Yaya Dub, sa Eat Bulaga.

Inamin ni Louise na fan siya ng AlDub loveteam.

“Fan na fan ako ng AlDub! Ang cute nila!” bulalas niya.

“Natutuwa ako sa kanilang dalawa, lalo na kay Alden.

“Bagay silang dalawa ni Yaya Dub at marami ang nag-aabang ng kanilang love story sa Eat Bulaga.

“Kapag nasa house lang po ako, papanoorin ko silang dalawa.

“Gusto kong maging up-to-date sa nangyayari sa kanila at sa mga gagawin ni Lola Nidora [Wally Bayola] para hadlangan ang pag-iibigan nila.”

Dahil sa malakas na dating ng AlDub loveteam sa publiko, idinidistansya na raw ni Louise ang kanyang sarili kay Alden.

Ayaw raw kasi nitong awayin siya sa social media ng AlDub fans.

Kuwento ni Louise, “Noong magkita ni Alden sa Kapuso Fans Day sa MOA...

"Matagal kasi kaming hindi magkumustahan, siyempre na-miss namin ang isa’t isa.

“Pero sinabihan ko siya na umiwas na siyang makitang kasama ako kasi may nagbanta na nga sa akin.

“Akala ni Alden nagbibiro ako kaya natawa siya.

“May nag-comment kasi sa isang Instagram photo namin na ‘Stay away from Alden!’

“Siyempre natakot ako doon!

“Ayokong maba-bash ako o magkaroon ng haters sa social media.

“Kaya nakiusap ako kay Alden na huwag na siyang masyadong didikit sa akin.

“Tawa lang siya nang tawa kasi masyado raw akong napapraning.

“Naku, mabuti na yung nag-iingat tayo. Ang lakas pa naman ng loveteam nila.”

Apat na beses nagtambal sina Louise at Alden sa mga teleserye ng GMA: Alakdana, My Beloved, One True Love, at Mundo Mo’y Akin.

Hindi alam ni Louise kung kailan ulit sila ni Alden magsasama sa isang teleserye.

Sa ngayon ay kinaaaliwan ng aktres ang loveteam ni Alden kay Yaya Dub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN