Boots Anson-Rodrigo on married life with husband King Rodrigo: “It’s unexpectedly happy and, I hope, lasting”

Boots Anson-Rodrigo on married life: “Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya, katibay yung pagsasama namin, na sa araw-araw ay lumalago, tumitindi. Mayroong intensity at passion at our age.”


“It’s unexpectedly happy and I hope lasting.”

Ito ang paglalarawan ng veteran actress na si Boots Anson-Rodrigo sa pagsasama nila ng asawang si Atty. Francisco “King” Rodrigo.

Mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang sila’y ikasal noong June 14, 2014.

Since then, puro masasayang memories daw ang kanilang nabubuo.

Dagdag ni Boots, “Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya, katibay yung pagsasama namin, na sa araw-araw ay lumalago, tumitindi. Mayroong intensity at passion at our age.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Boots pagkatapos ng Lola Basyang Read-Along noong Agosto 2 sa Philippine Military Academy (PMA), sa Baguio.

Bahagi ito ng promo events ng TV5 sa pinagbibidahang show ni Boots na LolaBasyang.com, na napapanood tuwing Sabado, 7 P.M.

Paano nila napapanatiling mainit ang kanilang pagmamahalan?

Sagot ni Boots, “Attorney is very loving. It cannot be helped na… may osmosis din siguro na magiging extra loving ka rin. Love begets love.”


SUPPORTIVE HUSBAND. Very supportive nga raw si Atty. King sa showbiz career ni Boots.

Sinamahan pa niya ang kanyang misis sa Baguio trip nito noong Agosto 1 and 2 para i-promote and LolaBasyang.com; gayundin ang horror-comedy show na #ParangNormal Activity, na pinagbibidahan naman nina Ella Cruz, Ryle Paolo Santiago, Andre Garcia, at Shaun Salvador.

Ang dalawang shows ay co-produced ng TV5 at ng The Idea First Company nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana.

Present si Boots sa joint presscon ng LolaBasyang.com at #ParangNormal Activity noong Agosto 1 sa Mario’s Restaurant, Baguio.

Sumama sa kanya si Atty. King sa Lola Basyang Read-Along noong Agosto 2 sa PMA, kung saan ibinahagi ni Boots ang kuwentong Ang Plautin ni Periking sa 30 kids na mga anak ng ambulant vendors sa Burnham Park.

Nagkaroon din ng fun games at gift-giving, kung saan nakatulong ng TV5 ang Alagang Kapatid Foundation sa pangunguna ni executive director Menchie Silvestre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natutuwa si Boots na nakasama si Atty. King sa Baguio.

“Actually, overnight lang kami dito, pero masaya kasi kasama ko si Atty. King.

"Pagkagaling nga rito, pupunta kami sa palengke para mamili ng mga iuuwi at pasalubong din.

"We stayed with friends, so mayroon din namang leisure part.

"Kahapon [Aug. 1], maganda nga na kayo na kasama sa media ay nagbigay din ng panahon para maging tulay or conduit namin sa publiko regarding sa pagpapalabas ng mga programa ng TV5.”


RECEPTIVE KIDS. Aliw na aliw si Boots sa isinagawang Read-Along kasama ang mga Baguio kids.

“Nakakatuwa kasi napaka-receptive nila.

"Nakita niyo naman, bawat tanong nasasagot nila kaagad kasi talagang nakikinig sila at naintindihan nila ang kuwento.

“Nagpapasalamat kami sa kanila at sa mga magulang na dinala sila sa event na ito.”

Ano ang fulfillment na naramdaman niya sa Read-Along?

Sabi ni Boots, “Naku, napakalaking fulfillment iyan, both para sa isang lolang katulad ko at para sa isang teacher na katulad ko.

"Thirteen years din akong nagturo.

"And iba yung mayroon kang nasasalin na karunungan sa mga bata, sa mga matatanda, kahit kanino.

“Parang it perpetuates the fact, ang katotohanan na isinasalin mo lalo na sa pamamagitan ng mass media, ng TV, na maramihan at malawakan ang naaabot.

“Isa pang mahalaga diyan ay alam natin na ang isinasalin natin, ikinukuwento natin ay mayaman sa pagpapahalaga, mayaman sa kalinangan, kultura ng ating bansa, ng ating mga tao.

"Yung mga legends natin, mga folklore, mga kuwento noong unang panahon, na lahat naman ay nagsasaad na ang mabuti ay laging nagtatagumpay laban sa masama.”

Ano ang masasabi niya sa effort na ito ng TV5 at Alagang Kapatid Foundation?

“Kapuri-puri talaga ang ginagawa ng TV5.

"Sabi nga doon sa promo [plug] ng TV5, ‘Iba ang dating!’ Sana malayo yung marating.

“At sa pakikipagtulungan sa Alagang Kapatid Foundation, nakakatuwa na hindi lang para i-promote, i-popularize ang mga programa nila kundi yung konteksto ng kanilang mga programa, yung mga adhikain ng mga programa nila, katulad ng adhikain ng LolaBasyang.com.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami na nga raw ang tumatawag kay Tita Boots ngayon na Lola Basyang o Lola B, patunay na marami ang nanonood sa show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN