Jose Manalo has more to offer in Sunday PinaSaya; proud of son Nicco

Jose Manalo on working every day of the week: “Sabi nga namin, humiling tayo sa Diyos para magkaroon ng hanapbuhay. Ngayong binigyan ka, aangal ka pa ba? Pasalamat ka na lang.”


“Akala namin, nagawa na namin ang lahat.”

Ito ang pahayag ni Jose Manalo tungkol sa panibagong programang kabibilangan niya sa GMA Network, ang Sunday PinaSaya, na magsisimula sa Linggo, August 9.

Dagdag pa niya, “Kahit sa [Eat] Bulaga!, tinatanong kami, ano pa ang gusto naming hindi pa namin nagagawa.

“Sa tingin namin, nagawa na namin lahat ng puwede naming gawin. Pero meron pa raw pala.”

Kapag nagsimula na ang Sunday Pinasaya, isang buong linggo nang mapapanood sa telebisyon tuwing tanghalian si Jose, kasama ang longtime comedy partner niyang si Wally Bayola.

Sa bagong noontime comedy show na Sunday PinaSaya, gagampanan ni Jose si Duterti, na ayon sa direktor nilang si Rich Ilustre ay isang political satire.

Sa hiwalay na panayam ng entertainment reporters, sinabi ni Jose na hindi humihinto sa Eat Bulaga! ang pagiging komedyante nila ni Wally.

Aniya, “Kung anuman ang ibigay sa amin ni Wally, pag-aaralan namin, tatanggapin pa rin namin.

“Sabi nga, sa comedy, hindi basta kome-komedyante ka lang, nag-aaral ka pa rin.

“Hindi puwedeng 'yan, nandiyan ka at kilala ka ng mga tao.

“Hindi pala natatapos doon, sapagkat nag-aartista ka, dire-diretso pa rin ang pag-aaral mo para sa character.”

Aminado si Jose na dahil sa bagong proyektong ito, mas lalong mababawasan ang oras nila ni Wally para makapagpahinga.

Kaya aniya, “Yung health lang ang kailangang tingnan.

"Kung malayo ang biyahe, tulog ka na lang.

"Pagbalik, tulog na lang ulit."

Hindi rin naman daw sila puwedeng tumanggi sa mga proyektong dumarating sa kanila.

“Kasi, sabi nga namin, humiling tayo sa Diyos para magkaroon ng hanapbuhay.

"Ngayong binigyan ka, aangal ka pa ba? Pasalamat ka na lang."

Bukod sa Eat Bulaga! at Sunday PinaSaya, napapanood din si Jose sa weekly comedy-game show na Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi.

PROUD OF SON NICCO. Samantala, hindi naman naiwasang matanong si Jose tungkol sa anak niyang si Nicco Manalo, na unti-unti na ring nakikilala sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula sa pelikula, isa ring singer si Nicco, na kaiba sa karerang tinahak ng kanyang amang si Jose.

Ikinatutuwa naman ito ng Eat Bulaga! Dabarkads.

Sabi ni Jose, “Si Nicco naman ay magaling na bata. Sana tuluy-tuloy ang karera niya.”

Katulad ng ibang mga magulang, proud din si Jose sa mga nakukuha ng anak niya ngayon sa showbiz.

“Siyempre, wala namang magulang na hindi proud sa anak.

“Basta 'yon ang sinabi ko sa kanya noon...

"Sinasabi nila na gusto nilang mag-artista, sinasabi ko na, 'Hindi ko kayo tutulungan na mag-artista. Kung gusto n'yong mag-artista, gumawa kayo ng sarili n'yong paraan para makapasok.'

“Nagawan niya naman ng paraan. Ayaw kong madikit sa akin.

"Siya naman ang nakaisip, gumawa siya ng sarili niya [pangalan]."

Bagamat nagkaayos na silang mag-ama, inamin ni Jose na hindi pa rin sila madalas makapag-usap ni Nicco.

“Yung communication, hindi pa ganun kadalas.

“Siyempre yung Eat Bulaga!, every day 'yan. Pag-uwi mo, matutulog ka na lang, e.

“Minsan may show din kami sa gabi.

"Pero hindi na kami gabi-gabi nagsu-show kasi hindi na rin kami bumabata," sabi ni Jose.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN