Andrea Torres confident she won’t have scandal over sexy video or photo

Andrea Torres on why she has no sexy selfie: "Kasi kapag ginawa mo ‘yan, kahit i-delete mo, nandiyan pa rin. Ewan ko, may paraan talaga sila lalo na kapag techie ang tao."


Bilang isa sa mga artistang nagpu-pose nang sexy sa magazines, confident si Andrea Torres na walang scandal na lalabas sa kanya pagdating sa video o pictorial niya.

Sabi ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kapag nagpi-pictorial naman, sobrang bantay naman.

"Like, sila Ateng [Rams David, her manager], mine-make sure nila na walang nandoon.

“Ang nakakatakot lang, kung minsan may nagti-text sa amin o nag-i-Instagram na, 'I-block mo si ganito kasi ine-edit niya mukha mo o yung ganito.'

"May naggaganun sa aming mga artista.

“Siyempre kami, hindi mo naman ma-block dahil baka naman magalit naman yun. Pero yun ang nakakatakot minsan.

"May mga lumalabas na in-edit na, pero hindi naman ikaw yun.

"Paano mo naman mapu-prove yun?"

Kagaya ba siya ng ibang artista na mahilig mag-selfie o mag-video ng kanilang sarili kahit nakahubad?

Natatawang sagot ng Kapuso actress, “Hindi, hindi naman!

"Kasi kapag ginawa mo ‘yan, kahit i-delete mo, nandiyan pa rin.

“Ewan ko, may paraan talaga sila, lalo na kapag techie ang tao.”

Kailan lang daw ay nagulat siya nang ang dami raw nagta-tag sa kanya na may scandal siya.

“Nagulat ako kasi bakit ang daming nagbabanggit.

"Parang ang daming nagsasabi na Andrea Torres... [kasama sa scandal]."

Kinabahan ba siya?

“Hindi naman po ako kinabahan, parang na-bother lang na bakit ang dami, pero yun lang naman.”


COFFEE TABLE BOOK. Si Andrea, na No. 2 sa Sexiest Woman poll ng FHM ngayong 2015, ay papasok sa GMA primetime series na Pari 'Koy.


Gaganap siya bilang prostitute na magpapaibig sa ama ni Father Kokoy (Dingdong Dantes) na gagampanan ng veteran actor na si Spanky Manicad.

Maraming eksena si Andrea na seksing-seksi ang suot habang nagsasayaw sa isang bar.

Kuwento niya, “Kabado talaga ako noong in-offer sa akin.

"Kasi, inisip ko agad baka hindi ko kayang gawin, kasi nga first time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero okey naman."

Ang isa pang aabangan kay Andrea ay ang coffee table book na ginawa niya para sa Summit Media.

“Sa September po siya ilu-launch, super sexy!

"Yun ang pinakamatindi kong diet.

“Siguro masasabi kong nakapag-produce ako ng best kong katawan.

"Sobrang diet, gym, kinarir kong talaga dahil, sabi ko nga, hundred-plus pages yun.

"Kapag mataba ako, 100-plus pages akong makikitang mataba."

Sa Tagaytay raw ginawa ang pictorial nila at ang photographer ay si Jay Tablante.

Yung unang pagko-cover niya sa FHM ay masasabing pasabog na rin. Mas matatalbugan ba ng kanyang coffee table book ang ginawa niya sa FHM?

Ayon kay Andrea, “Hindi ko naman po masasabing matatalbugan, pero iba siya. Iba naman po siya.

“Actually, hindi ko pa po nakikita yung final [proofs].”


NO LOVELIFE. Kahit nali-link siya kay Sef Cadayona, “single” pa rin ang natatawang sagot ni Andrea nang kumustahin namin ang lovelife niya.

Mahirap ba sa isang artista na magtago ng isang relasyon?

Sagot niya, “Feeling ko depende naman sa set-up ng relasyon n’yo.

"Kung hindi naman nagiging isyu sa partner mo, parang okey lang naman siguro."

May ibang teleserye na ang ka-loveteam niya na si Mikael Daez, ang My Faithful Husband.

Si Andrea naman ay naghihintay ng susunod niyang gagawin bukod sa Blood In Dispute nila ni Mikael, na ngayong Sabado ay may premiere night sa Cambodia.

Sino pa sa Kapuso actors ang gustong makapareha ni Andrea?

“Parang gusto kong makatrabaho si Alden [Richards]. At saka sina Dennis [Trillo] at Tom [Rodriguez].

“Kasi ngayon, nakakasama ko na si Kuya Dong [Dingdong Dantes],” sbai niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN