Albie Casiño admits he has ADHD; avoids commenting on DNA results regarding Andie Eigenmann's child

Albie Casiño on being a changed man: "Yung buong pagkatao ko, bago na. I mean, it’s been a long time since people have really seen me. So, parang I’m more equipped in handling everything, like intrigues, di ba? I’m a more mature person now."


Nagbabalik sa bakuran ng ABS-CBN ang young actor na si Albie Casiño pagkatapos ng kontrobersiya sa kanila ng dati niyang girlfriend na si Andi Eigenmann.

Kabilang si Albie sa cast ng upcoming primetime series na On The Wings of Love, na pinagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre.

Paano nakabalik si Albie sa Kapamilya network?

Ayon sa young actor, ang business manager niyang si Leo Dominguez ang nagbalita sa kanyang meron siyang project sa ABS-CBN.

Pero paglilinaw ni Albie, “Wala pa po akong contract sa network, sa show [On the Wings of Love] lang.

Noong umalis siya sa ABS-CBN, inisip ba niyang lumiit ang tsansa niyang makabalik dito?

Sagot niya, “Well, nagkaroon naman ako ng mga offers before, pero hindi ko lang talaga tinatanggap kasi, yun nga, pumapasok ako [sa school].

“Pero since mahabang break at sa August 24 pa ang pasukan namin, sabi ko, 'Why not? Tanggap na rin tayo.'”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Albie sa presscon ng On The Wings of Love kahapon, August 3, sa ABS-CBN compound.


CHANGED MAN. Ano ang mga nagbago sa kanya ngayong nakabalik na siya sa Kapamilya network?

Ayon kay Albie, “Yung buong pagkatao ko, bago na.

"I mean, it’s been a long time since people have really seen me.

"So, parang I’m more equipped in handling everything, like intrigues, di ba?

"I’m a more mature person now.”

Sino ba si Albie Casiño dati?

“Bata. Typical kid. Seventeen years old... I’m now 22.”

Ibig bang sabihin ay open na siya sa mga tanong ng press, hindi gaya noon na iniiwasan niya ito o nagpapakita ng inis kapag tinatanong siya ng mga isyu tungkol sa kanya?

“Hindi naman... it’s just that I don’t like being put on the spot, e.

"So, yung mga press conferences and stuff, it’s very hard for me because I had a hard time answering a lot [of questions]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin pa ni Albie, “I have ADHD [Attention Deficit Hyperactivity Disorder] also.

"So, natataranta ako, napi-pressure ako.

"A lot of cameras, a lot of people..."

Ayon sa Wikipedia.org, ang ADHD ay isang “neurodevelopmental psychiatric disorder in which there are significant problems with executive functions that cause attention deficits, hyperactivity, or impulsiveness which is not appropriate for a person's age.”

Hindi ba na-trauma si Albie sa mga kontrobersiyang kinasangkutan niya noon?

Tugon niya, “Wala, e. Because that’s my job.

"Kasama ito sa pagtatrabaho, e. Hindi ko na ito maiiwasan, e.”

Adjusted na ba siya? Nawala na ba ang pagiging ADHD niya?

“Hindi naman nawawala yun. You just have to cope with it.”


POSSIBILITY. Tinanong din ng PEP si Albie tungkol sa posibilidad na magkita sila uli ni Andie ngayong nasa ABS-CBN na siya ulit.

Nakangiti niyang tugon, “I’ll just cross the bridge when I get there.”

Ano ang masasabi niya sa balitang sumailalim na sa DNA test ang sinasabing anak nila ni Andi?

“I have to go na 'ata,” pag-iwas ni Albie, at saka siya lumingon sa mga staff na nasa likod niya.

“Sorry, guys!” nakangiti niyang dugtong.

Tinanong namin kung ano sa palagay niya ang lumabas na resulta.

“Well, guys…” sambit ni Albie, pero hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin dahil hinila na siyang papalayo ng mga staff sa likod niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN