Cherry Pie Picache on James Reid and Nadine Lustre: "I’m sure na-attract sila sa isa’t isa."

Cherry Pie Picache on why she likes James Reid: "Kasi pag sa first encounter, suplado, mayabang. Basta, mabait siya. Mabait yung puso, mabait yung pakikitungo."


Nakasama ni Cherry Pie Picache sina James Reid at Nadine Lustre sa San Francisco, California, na siyang location shoot ng upcoming primetime series na On the Wings of Love ng ABS-CBN.

Dito raw nakilala ng veteran actress kung sino si James sa likod ng camera.

Kuwento ni Cherry Pie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It was so nice to discover na siya’y napakabait na bata, napakabait ng puso.

“Kasi 'pag sa first encounter, suplado, mayabang.

"Basta mabait siya.

"Mabait yung puso, mabait yung pakikitungo. Hindi showbiz."

Nakapanayam ng PEP si Cherry Pie sa grand launch ng On The Wings of Love kahapon, August 3, sa ABS-CBN compound.

JADINE LOVETEAM. Ibinahagi rin ni Cherry Pie ang obserbasyon niya kina James at Nadine.

“Totoo yung sinabi ni Direk [Jojo Saguin], walang tsika na kung paano sila magtrabaho, how they work hard on screen, yung chemistry nila, ganun sila pag walang shooting.

“Pero honestly, nakakakilig.

"Kasi nga, yung binanggit nga ni James na, since April last year ‘til today, almost every day na silang nagkakasama.

"Siguro they’ve really become close with each other."

Ayon pa sa award-winning actress, maging siya ay naging curious kung meron nga bang relasyon ang dalawa.

“Yun nga, pag outsider ka and you’re looking in at first time mong nai-encounter...

"Pero the same way na kinikilig ka on screen, may kilig moments, they listen sa isang headset, mga ganun.

“So, ako naman, nagiging curious ako.

"Sa pangatlong araw, tinanong ko na. Kinausap ko yung girl, kinausap ko yung boy.

"Like si Nadine, lalo na ang babae. Pag babae, di ba, malambot ang puso? ‘Di ka ba nadi-develop?’ Mga ganun."

Ano ang sagot ni Nadine?

“Siyempre showbiz!” natawang sabi ni Cherry Pie.

Dagdag pa niya, “Siguro hindi pa kami masyadong close.”

Tinanong din daw ni Cherry Pie si James kung nadi-develop na siya kay Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre alam mo naman ang mga lalaki... siyempre tumatawa lang sila.

"Sweet nga sila. There are moments na sweet sila."


WILLING TO LEARN. Kumusta ang acting ng dalawa?

Ayon kay Cherry Pie, “Yun nga, binanggit ko nga kanina, they work hard, willing to learn, ituloy ninyo.

“Lalo na kay James Reid, yung accent. Sabi ko, 'Praktisin mo, magbasa ka ng komiks.'

“But sometimes, kailangan niyang mag-Tagalog dahil hindi naman palaging English sa set.”

Nag-aaaway rin ba sina James at Nadine sa set?

Ayon kay Cherry Pie, “Alam mo minsan, sa pagod rin, e. Normal lang naman yun.

“Minsan, may mga moments na halos hindi na nagpapansinan.

"Kasi siyempre, may kanya-kanyang pressure, wala kaming assistant dun, kanya-kanya.

“Siyempre sa babae, mas marami kang gamit kesa sa lalaki.

“Kasi si Nadine, minsan pagod na rin, minsan parang may 'kanya-kanya na nga muna tayo.'”

Kilala na ba ang dalawa ng mga Pinoy sa San Francisco?

Sagot ni Cherry Pie, “Nakaka-touch... yung JaDine fans, sumalubong sila sa airport, tapos nakasunod sila sa shooting namin.

"May international fans sila."

Ayon kay Cherry Pie, may potensiyal na maging household name ang JaDine sa mga Pinoy abroad.

“Kasi, mas didikit sa tao.

"Kahit naman sino, pag may teleserye ka na, mas nakaka-relate na sa iyo."

Sa tingin ba ni Cherry Pie ay posibleng mauwi sa totohanan ang relasyon nina James at Nadine?

Sagot niya, “They work very well. Alam nila kung ano ang pangarap nila.

“Grateful sila for what they have now. So, pareho silang ‘Let’s work towards that.’

"So, feeling ko nga, mas may honesty, mas may sincerity.

"Pero I’m sure na-attract sila sa isa’t isa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN