Alma Concepcion on pending child support case against Dody Puno: “Ipinaubaya ko na sa mga lawyers ko ito para mabawasan ang stress ko.”

Alma Concepcion on showbiz and non-showbiz work: "Parehong matimbang sa akin ang acting and construction; I am happy to have double jobs.”


Umiwas si Alma Concepcion na magbigay ng detalye tungkol sa development ng usapin ng child support sa pagitan nila ng negosyanteng si Dody Puno, ang ama ng kanyang 15-year-old son.

Sabi ni Alma, “As of now, nasa courts na ang kaso ko ng child support.

"I can't comment on this kasi ipinaubaya ko na sa mga lawyers ko ito para mabawasan naman ang mga stress ko.”

Sa ngayon ay mas abala si Alma sa mga bagay na may kinalaman sa matapos na kursong sa kolehiyo.

“My first course was International Business from Southville Foreign Colleges in 2001.

"And [then, I took up] BS Interior Design in UP Diliman in 2014.”

Bakit iyon ang napili niyang mga kurso?

“Napili ko yung course na iyon dahil sa construction background ko.

“I’ve been doing renovations mga five years na.”

Ano ang mas matimbang sa kanya ngayon—ang showbiz o ang construction?

“Parehong matimbang sa akin ang acting and construction. I am happy to have double jobs,” sabi ni Alma sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Facebook private messaging.

Dagdag niya, “Recently I came out sa The Ryzza Mae Show and also sa Powerhouse.

“My last teleserye was sa ABS-CBN, yung Pintada.

“I studied full-time kasi sa UP from 2009 to 2014.”

BEAUTY PAGEANTS. Bilang Bb. Pilipinas-International noong 1994, hiningan namin ng komento si Alma tungkol sa pagpuwesto ng Pilipinas sa iba't ibang international pageants.

Sabi niya, “I'm happy and proud na namamayagpag tayo sa mga international pageants.

"Talaga kasing nasa puso natin ang mga beauty pageants.

“Nasa kultura na natin ito kaya masarap ang pakiramdam na nananalo tayo.”

Kinumusta naman ang personal na buhay niya?

“Okay naman ang love and family life ko. Very happy and fulfilled,” simpleng pahayag niya.


MAGPAKAILANMAN. Samantala, matagal na nang huling mapanood sa GMA drama anthology na Magpakailanman si Alma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay noong i-feature sa naturang programa ang life story niya noong 2005.

Sa Sabado, August 6, ay muling mapapanood si Alma sa Magpakailanman sa episode na pinamagatang "Teacher Ko, Rapist Ko."


Kasama niya sa episode na ito sina Bianca Umali, Al Tantay, Diva Montelaba, Rich Asuncion, Vince Velasco, at James Blanco.

“Ang role ko ay nanay ni Bianca na rape victim,” sabi ni Alma.

Hinahangaan daw ni Alma si Bianca na kahit bata pa ay may husay na sa pag-arte.

“Bianca is a young but mature person. Malalim siya.

“She got what it takes to last long in the industry.

"She is simple at humble," papuri niya sa Kapuso young actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN