Rich Asuncion blissfully happy with boyfriend Ben Mudie: "Kahit nagsimula kami sa blind date, ipinaramdam naman niya sa akin na sincere siya."

Rich Asuncion wishes for more derring-do roles: "Yung mala-Tomb Raider ni Angelina Jolie... one of these days, gagawin ko rin 'yan."


Going strong ang mahigit tatlong buwang relasyon ng Kapuso actress na si Rich Asuncion at ng Filipino-Australian na si Ben Mudie.

Si Ben ay kasalukuyang member ng Philippine Volcanoes, ang rugby team ng Pilipinas.

Kahit hindi isang long courtship ang nangyari sa kanila, naramdaman ni Rich na sila ay para sa isa't isa.

Lahad ni Rich, "Mula nang maramdaman ko na, 'A, puwede,’ pero kahit nung day one, feeling ko na siya talaga ang magiging partner ko.

"Yeah, kahit nagsimula kami sa blind date, ipinaramdam naman niya sa akin na sincere siya.

"Hindi ko nga alam kung kailan naging kami, pero alam namin na kami na."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainmet Portal) at iba pang miyembro ng media si Rich sa presscon ng pelikulang Manila's Finest, na ginanap sa Mowelfund, Quezon City, noong Sabado, August 1.

NON-JEALOUS TYPE. Dahil sikat ang team nina Ben, hindi maiwasang marami pa ring babae ang nagpaparamdam sa boyfriend ni Rich.

Ano ang masasabi niya rito?

Nakatawang sagot ng StarStuck alumna, "Bahala siya... Naku, graduate na ako sa ganyan!

"Dati nagsiselos-selos ako, pero ngayon... siguro bibigyan ko siya ng freedom.

"Kung sa kanila ka, e, di go na... siguro dahil na rin sa past experiences ko.

"Yung parang pambagets na lang 'yan, e... matanda na ako."

May malawak na nga raw ang kanyang pananaw pagdating sa kanilang relasyon.

Sabi ng 26-year-old actress, "Hindi na ako ganun kaselosa.

"Kasi, tingin ko diyan, iwasan mo na yung sobrang stress, huwag na dun sa sobrang stressful.

"Ang gulo na ng buhay, guguluhin mo pa ba?"

Kahit nasa showbiz siya't hindi maiwasan na may guys pa rin na umaali-aligid sa kanya, si Ben daw ay hindi ganun kaseloso.

Ani Rich, "Ay, hindi naman siya ganun, yung seloso? Parang chill lang siya.

"Kaya siguro nagustuhan ko siya, yung outlook niya sa buhay, parang black or white.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag mo nang problemahin yung mga bagay na hindi naman dapat pinuproblema."

Mas tanggap daw rin ni Rich ang ganung klaseng relasyon.

"Oo, mas gusto ko yung pareho kayong relax.

"Iniiwasan talaga natin yung ang dami-daming complications, yung masyado kasing madrama at maraming negativity.

"Hindi nakakaganda 'yan, nakakabawas 'yan ng ganda!" sabay tawa niya.

Napag-uusapan na ba ang kasal?

Mabilis niyang sagot, "Hindi pa, wala pa kami sa puntong 'yan.

"Bagong relasyon pa lang kami, kaya parang mahirap na ganun kaagad.

"Enjoy-enjoy muna sa isa't isa, support-support sa mga gusto naming gawin individually.

"Hindi naman siguro maganda na, agad-agad, kasalan ang pag-uusapan.

"Marami pa kaming dapat i-discover sa isa't isa, nasa process pa kaming ganyan."

 

DREAM ROLE. Samantala, napag-usapan namin ang tungkol sa partisipasyon niya sa action movie na Manila's Finest.

Wala raw siyang action scenes dito, pero pangarap din daw niyang maka-portray ng ganitong role.

Sabi ni Rich, “Type ko yung mala-Tomb Raider ni Angelina Jolie, mala-Lara Croft, 'di ba?

"Gusto ko rin ipakita sa mga tao how a woman can be powerful, how a woman can be the hero.

"Kasi laging men or boys ang nakikita, so gusto ko rin na malakas ang mga babae."

Inggit nga raw siya kay Bangs Garcia, na kasama niya sa movie at maraming action scenes.

Ani Rich, "Sobrang inggit, kasi siya may hawak na baril, tumatakbo, lumalaban.

"Siya lang yung babae na pulis sa mga bida, kaya bongga siya.

"Sabi ko nga, one of these days, gagawin ko rin 'yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN