Mar Roxas admits to wooing Grace Poe to be his running mate

Paglilinaw ni DILG Secretary Mar Roxas, hindi siya nangangambang maging anino lamang ni Pangulong Benigno Aquino III. “Hindi naman ako threatened. Kumbaga, secure ako sa pagkatao ko. Parehas ang ipinaglalaban namin [ni PNoy].”


Itinanggi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na mananatili lamang siyang anino ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Pormal na inendorso ni Pnoy si Mar bilang standard bearer ng Liberal Party sa 2016 national elections noong Biyernes, July 31.

Read: PNoy anoints Mar Roxas as successor for 2016 elections; Mar accepts the challenge to continue "Daang Matuwid"

Sinabi rin ni Mar na hindi isyu ang paggamit niya ng kulay dilaw, na signature color ng Pangulo.

“Hindi naman. Ang bandila natin, red, yellow, white, and blue.

"Ganun lang naman yun, e, dahil lahat tayo Pilipino,” sagot ng kalihim sa guest appearance niya sa Umagang Kay Ganda ngayong Miyerkules, August 5.

Patuloy niya, “Ang identity ng tao, wala naman sa pananamit niya, nasa paninindigan niya, ano’ng pinaglalaban niya, ano’ng pangarap niya sa kanyang sarili, sa ating bansa.

“Hindi naman ako threatened. Kumbaga, secure ako sa pagkatao ko.

"Parehas ang ipinaglalaban namin [ni PNoy].

“Yung mga hamon na hinarap niya noong 2009, 2010, iba naman sa hamon na haharapin natin sa 2016, 2017, and onwards.

"Hindi naman ako parang insecure.

“Palagay ko, ang mga kababayan natin, makikita din 'yon.

“Sabi nga nung tatay ni Batman, ‘It is not to what you were born to, who you were born that defines you. It is what you do.’”


WOOING SEN. GRACE. Sinabi rin ni Mar na mas gugustuhin niyang maging running mate si Senator Grace Poe kesa maging kalaban ito sa eleksyon.

“Siyempre kakampi. Naghahanap tayo ng kakampi.

"Ipinaglalaban natin yung pagpapatuloy nitong Daang [Matuwid],” sabi ni Mar.

Bago ang pag-endorso kay Mar, naging maugong na usapan ang posibilidad na baka si Grace ang iendorso ni PNoy.

May posibilidad ding tumakbo sa pagka-Pangulo si Grace, pero wala pa rin siyang desisyon kung ito nga ang tatakbuhin niya o vice president.

Sa tanong naman kung nililigawan pa ng administrasyon ang senadora na maging running mate ni Roxas sa national elections, sagot ni Mar, “Oo naman, bakit hindi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang Pangulo mismo sinabi niya 'yon.

"Ako rin, bukas [sa posibilidad].

"At para sa akin, mahalaga na magsama-sama lahat yung nainiwala sa Daang Matuwid.”

Sa kanyang inilabas na press statement, sinabi ni Senator Grace na susuportahan pa rin niya ang kampanya ng administrasyon para sa Daang Matuwid.

Read: Sen. Grace Poe on Sec. Mar Roxas's presidential bid: “I wish him well.”

Hindi pa man nag-aanunsiyo si Senator Grace ng kanyang political plans for higher office sa 2016 elections, pinag-uusapan din ang posibilidad na maging running mates sila ng kaibigang si Senator Chiz Escudero.

Sa panayam ni PNoy, sinabi niyang mas makabubuti sana kung magsasanib-puwersa ang kanyang mga kaalyado sa susunod na eleksyon kesa magkawatak-watak.

Kaalyado ng PNoy administration sina Grace at Chiz, subalit nagpahayag ng interes ang dalawang senador na tumakbo para sa presidential at vice presidential bid.

Sabi ni PNoy sa posibleng Poe-Escudero tandem: “Right now might not be the right moment to fully coalesce.

“We’re still hoping, no.

"We still want that very unified group that will preserve the coalition as much as possible that can ensure the victory of the agenda."

Nangangamba raw kasi ang Pangulo na mahati ang boto sa pagkakawatak-watak ng mga kaalyado.

“Palagay namin, majority sang-ayon sa amin.

"Pero pag naghati tayo nang naghati nang naghati, baka naman maging manipis nang manipis ang laman.

"At doon baka manganib ang lahat ng pinaghirapan natin," pahayag ni PNoy sa ulat ng Bandila nitong Martes, August 4.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN