Shaina Magdayao speaks up on working with ex-boyfriend John Lloyd Cruz

Shaina Magdayao explains why people made a fuss about her working with ex-boyfriend John Lloyd Cruz. The two are working together on ABS-CBN's primetime teleserye Nathaniel.


Nagsalita si Shaina Magdayao tungkol sa pagiging magkatrabaho nila ng kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz sa ABS-CBN primetime teleserye na Nathaniel.

Regular cast member sa nasabing drama series si Shaina, at kamakailan lang ay pumasok bilang guest star si John Lloyd.

Nauna nang sinabi ni John Lloyd na hindi isyu ang pagtatrabaho nila ni Shaina.

Sa katunayan, isa pa nga ang aktres sa mga nag-welcome sa kanya sa pagpasok siya sa programa.

Read: Did John Lloyd Cruz feel awkward working with ex-girlfriend Shaina Magdayao for TV show?

Sabi ni Shaina sa panayam niya sa Aquino And Abunda Tonight kagabi, Martes, August 4, “Maski ako, hindi ko rin makuha bakit napakalaking isyu.”

Dagdag pa ni Shaina sa interview sa evening talk show ng ABS-CBN, malamang naging isyu ang pagtatrabaho nila ni John Lloyd dahil bago ito sa paningin ng tao.

“Okay naman kasi talaga kami. Wala kaming problema sa isa't isa.

“But, I think, kasi bago lang sa mata ng tao na nakikita kami onscreen.

“Maski naman ako, parang hindi ko nakita 'yon, e, na mangyayari na magkakatrabaho kami.”

Nang kumustahin ang pagtatrabaho nila, ani Shaina, “It was okay.”

Nakaramdam ba sila ng awkwardness sa isa’t isa?

Paiwas na tugon ng aktres, “Dun lang ako sa fact na, ‘Ay, nagtatrabaho kami together.’

"But other than that, we’re okay because we see each other naman around. We have common friends."

Diin pa ni Shaina, hindi naman iyon ang unang beses na nagkita sila ni John Lloyd mula nang maghiwalay sila.

“Pero siguro yung on the set sa trabaho, yun lang siguro ang bago, but other than that, wala naman.

“Actually, feeling ko, ganun din ang nakikita ng mga tao, pero hindi.

“I mean, ilang taon na ang nakalipas, ilang Star Magic Ball na ang nakalipas, and marami na kaming parties [na nagkita kami].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin nina Shaina at John Lloyd ang kanilang relasyon noong 2010.

Dumaan din ito sa ilang pagsubok, kagaya ng pagkaka-link ni John Lloyd kay Ruffa Gutierrez. Gayunpaman, naayos nila ito at nagkabalikan.

Naghiwalay sila noong 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN