Matteo Guidicelli cannot recall where he kissed Sarah Geronimo—on the lips or cheek

Matteo Guidicelli tries to explain if it was on the cheek or lips that he kissed girlfriend Sarah Geronimo in a sport event in Cebu last Sunday, August 2.


Hindi raw maalala ni Matteo Guidicelli kung sa labi o sa pisngi niya hinalikan ang girlfriend na si Sarah Geronimo nang magyakap ang dalawa sa ginanap na annual sport event na sinalihan ng actor-TV host sa Cebu noong Linggo, August 2.

Naging viral ang “power hug” ni Sarah kay Matteo bilang salubong sa finish line ng Cobra Ironman 70.3.

Marami ang kinilig sa yakapan ng magkasintahan, at lalong marami ang naintriga kung sa labi ba naghalikan ang dalawa base sa mga kumalat na larawan nila sa social media.

Look: Sarah Geronimo powerhugs Matteo Guidicelli after Ironman race

Sa Aquino and Abunda Tonight episode nitong Martes, August 4, tinanong ng host na si Boy Abunda ni Matteo kung sa labi nga ba ni Sarah dumapo ang halik niya.

“No. It was the cheek!” natatawang sagot ni Matteo na tila nahiya.

Hindi ba ito lips to lips?

Sagot ni Matteo, “I think. I was really tired at [that] moment, so I don’t really remember.”

Ipinaliwanag naman ni Matteo na ang pagdalo ni Sarah sa nasabing event ay pagtupad sa pangako ng Popstar Princess sa kanya.

“She promised me she was gonna go and she fulfilled that promise.

"That’s why, like I said, I didn’t prepare for this race, so it was like one of my worst races but my best finish.”

Binanggit din ito ni Matteo sa isa sa kanyang mga Instagram post tungkol sa event.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN