Willie Revillame reveals losing almost P50M from Wowowin in just three months: “Okay lang ‘yan, pera lang naman yun.”

Handa raw itaguyod ni Willie Revillame ang lingguhang gastusin para sa kanyang show na Wowowin hanggang sa mapagbigyan na siya ng GMA management na gawin itong daily. Inamin din ng TV host na halos umabot na sa P50 million ang kanyang lugi bilang producer ng naturang game show.


Aminado si Willie Revillame na halos P50 million na ang nalulugi sa kanya bilang host-producer ng Wowowin.

Ang Wowowin ay ang blocktimer game show ni Willie sa GMA Network tuwing Linggo ng hapon.

Sa presscon na ipinatawag ng GMA ngayong tanghali ng Miyerkules, August 5, tila may pahiwatig ang 54-year-old TV host/comedian/singer na muntik na niyang sukuan ang show.

“Going P50 million. Okay lang ‘yan, pera lang naman yun.

“Alam mo, pera lang ‘yan, kikitain natin ‘yan.

"'Tsaka, nagsimula naman tayo sa Wowowee [ABS-CBN], wala naman akong pera, e.

"So, ibinabalik ko lang lahata yun [sa tao]."

Ayon pa kay Willie, nitong mga nakaraang araw, bago ang episode ng Wowowin noong August 2, naglalagi siya sa Tagaytay upang i-manage ang construction ng kanyang boutique hotel doon.

Parang ang dating, nawalan na siya ng gana dahil sa pagkaluging naranasan niya.

Napagtanto rin niyang hindi talaga maganda ang 3:30 P.M. timeslot at hindi ito pinapasok masyado ng advertisers.

Matatandaang nitong mga nakaraang araw, kumalat ang balitang baka hanggang noong katapusan na lang ng Hulyo ang kanyang show dahil daw sa laki na ng nalulugi mula sa sariling bulsa ni Willie.

Read: Willie Revillame’s Wowowin to go off air due to financial woes?

“KAPUSO… MAY PUSO.” Pero nabuhayan daw ng loob si Willie nang tawagan siya ni Mr. Joey Abacan, first vice president for program management ng GMA, para makipag-meeting.

Maganda raw ang bungad nitong pananalita sa kanya tungkol sa ‘walang iwanan.’

Lahad ni Willie, “I never thought na may istasyong ganito, e, na nakinig lang.

"Tapos, akala ko, walang response yung gusto ko.

“Tapos tinawagan ako ni Boss Joey Abacan, ang bungad niya sa akin, ‘Hindi mo kami iiwan, ayaw naming iwanan mo kami, ayaw naming mawala ka. Mag-usap tayo.’”

Sa meeting, inilahad ni Willie ang kanyang intensiyong gawing daily ang show. Pero patuloy pa raw itong pinag-uusapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang isang magandang naibigay sa kanya ng GMA, bukod sa ‘discounted blocktimer fee,’ ay ang magandang timeslot.

“And at the same time, dinagdagan pa ako ng 15 minutes.

"Tapos itong timeslot nga, back to back ng Sunday PinaSaya, napakagandang kumbinasyon.

“Basta ang importante lang, yung commitment, kung saan kang nilalagay na oras.

"Pero I’m very glad and I’m so happy na pinapakinggan nila ako.

“Actually, yung hiningi kong konti, malaki ang ibinigay, hindi ko ini-expect na ganun, e.

"Kaya sobrang thankful ako kay Mr. [Felipe] Gozon, Mr. [Philip] Yalung, Mr. [Gilberto] Duavit... hindi lang sa kanila.

“Nakarating sa akin na yung unyon dito, nag-usap. Sabi daw, 'Sayang ang programa ni Willie...' bakit daw mawawala.

“Ito, totoo ‘to, so nagpapasalamat ako sa lahat ng mga tao dito sa GMA.

"Ngayon ko lang nararamdaman na sobrang pagwi-welcome, na parang ang sarap ng feeling na mula sa janitor, hanggang sa security guards, nagpa-picture sa iyo.

“Hanggang sa mga namumuno rito, I appreciate that.

"So, ang sarap ng feeling na lahat tanggap ka.

“Ang naramdaman ko dito sa GMA, Kapuso… may puso. May pagbibigay-halaga.”


TO SUSTAIN WOWOWIN. Sa ngayon, handa raw itaguyod ni Willie ang Wowowin hanggang sa mapagbigyan siya ng GMA management na gawin itong daily show.

Saad niya, “Oo, titiyagain ko na’to.

"I’ll be honest, may mga properties ako na puwede namang ibenta na hanggang ma-maintain ko lang ‘to.”

Sa ngayon, masaya si Willie sa 2 P.M. to 3:15 P.M. timeslot ng Wowowin every Sunday dahil afternoon primetime pa raw ito.

Aminado rin ang TV host na tinatamad siya noon sa taping ng game show dahil nga sa kanilang timeslot na 3:30 P.M. to 4:30 P.M.

Pero bumalik na raw ang kanyang gana at sigla nang malamang mapapaaga na ang airing nila.

Tinawagan na rin ni Willie si Mr. Johnny Manahan, ang direktor ng ASAP20, upang magpaalam na makakabangga nila ang second half ng musical-variety show ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw problema si Mr. M dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN