Donita Rose on resolving marital woes with husband Eric Villarama: "It really changed me a lot."

“Ang problema lang kasi is mahal niya ang trabaho niya sa America, and mahal ko ang trabaho ko rito. So, somebody has to give in. Pareho naman kaming willing mag-give in," says Donita Rose about resolving her marital problems with husband Eric Villarama.


“When we overcome these struggles, we'll come out stronger.”

Ito ang pahayag ni Donita Rose sa pagkakaayos nila ng kanyang mister na si Eric Villarama.

Read: Donita Rose and husband Eric Villarama decide to "get back together"; but she admits they almost signed divorce papers

Sa ginanap na blog conference para sa nalalapit na pagtatapos ng GMA primetime series na Let the Love Begin kahapon, August 4, kinumpirma ni Donita sa Startalk at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang naging desisyon nilang mag-asawa na protektahan ang kanilang sinumpaang pag-iibigan.

Pahayag ng actress-TV host, “Well, I would have to say na wala namang tao sa mundong ito na gustong dumaan sa pagsubok.

“I think, itong pinagdaanan namin ay isa sa mga pinakamatinding pagsubok.

“Pero if you're going to say, if you're going to choose kung magugustuhan mo o hindi, baka naman ayaw.

“But after going through it, it really changed me a lot.

“It made me realize how important it is to allow yourself to work out the relationship enough.

“Kasi, madali magturo ng pagkakamali ng iba, e.

"Pero you guys have the responsibility to trust and look forward knowing that love has a multitude flaws, and then, maaayos at maaayos din.”

Katulad ng ibang mag-asawa, sinabi ni Donita na importante rin ang pag-amin ng pagkakamali sa isang relasyon.

“Ang itinuro sa akin ng asawa ko, kapag mayroon kaming pinagdadaanan na problema, it doesn't mean na maggi-give up kami.

“Ang ibig sabihin lang is you need to talk about the issues and know that you both have promised forever.

“So, kahit na may mga pagsubok na pinagdadanan namin, we will overcome it.

“When we overcome these struggles, we'll come out stronger.”

Ayon sa Startalk, nakausap nila si Eric at sinabi nitong balak niyang bisitahin ang asawa rito sa Pilipinas.

Ikinatuwa naman ito ni Donita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Ang problema lang kasi is mahal niya ang trabaho niya sa America, and mahal ko ang trabaho ko rito.

"So, somebody has to give in.

“Pareho naman kaming willing mag-give in.

“The question now is what are the odds for us, what does God want for us.

“We cannot answer that for now. But we're hoping ang praying separately to ask what is good for us individually.”

Sa ngayon, bukod sa pagtutulungan nilang mag-asawa para maayos ang lahat, ipinagpapasa-Diyos na rin daw nila kung ano ang mangyayari sa kanilang relasyon.

Saad ni Donita, “We realized throughout this marriage that one cannot give up their career for the other, that one cannot sacrifice for the other unless it is God's will.

“Kasi, magkakaroon ng mga grudges and frustrations.

“But when you know your purpose together as a couple, God's purpose for you as a couple, then everything will make sense.

“Decision will not be difficult to make because you know the end goal.

"'Yon yung, I think, naging pinakamahirap na pagsubok sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN