Cynthia Patag slams Vice President Jejomar Binay’s TSONA

Usap-usapan ngayon ang open letter sa Facebook ng singer-comedienne na si Cynthia Patag dahil mariin nitong tinuligsa ang talumpati ni Vice President Jejomar Binay noong Lunes, August 3. Tinawag pa niyang walang konsensiya si Binay na wala raw ginawa kundi batikusin si Pangulong Noynoy Aquino.


Lunes, August 3, isang linggo matapos ang ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino, si Vice President Jejomar Binay naman ang naghayag ng kanyang ulat sa bayan.

Pinamagatan niya itong TSONA o True State of the Nation Address, na kanyang inihayag sa harap ng mga estudyante ng Cavite State University, sa Indang, Cavite.

Kabaligtaran sa naging magandang ulat ng Pangulo ang talumpati ng Pangalawang Pangulo.

Binigyang-pansin ni Binay sa kanyang TSONA ang mga hindi nabanggit ni PNoy sa kanyang SONA noong July 27.

Ilan sa mga ito ay ang Bangsamoro Basic Law (BBL), ang patuloy na problema sa MRT, at ang anomalya sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Bahagi ng talumpati ni VP Binay: “Ang mga namumuno ng bansa, ang masang Pilipino katulad ng mga magsasaka, mga mangingisda, mga manggagawa dito sa Pilipinas at ating mga OFWs—sa kanilang mga bisig nakasalalay ang kaunlaran.

“Ngunit sa limang taong pagbiyahe sa daang matuwid, ang masang Pilipino ay naiwanan.

“Ang mga institusyong hindi nila matakot o mapasunod, katulad ng mga pribado at relihiyosong samahan, ay ginigipit at sinisiraan.

“Ang mga haligi ng gobyerno—ang mga karaniwang kawani, ang mga sundalo at ang mga pulis—sila rin ay napag-iwanan.

“At ang masaklap pa rito ay binalewala ang kanilang mga sakrispisyo sa ngalan ng serbisyo publiko.”


CYNTHIA PATAG’S OPEN LETTER TO BINAY. Kinabukasan, August 4, naghayag naman ng kanyang open letter ang retired comedienne na si Cynthia Patag tungkol sa TSONA ni Vice President Binay.

Sa kanyang Facebook post, mariing tinuligsa ni Cynthia ang diumano’y paninira ng Pangalawang Pangulo kay PNoy.

Kinuwestiyon din nito ang motibo ni Binay sa kanyang mga ginawang pagtulong, at tinanong kung ano ba ang nagawa niya sa bayan sa loob ng limang taon nitong panunungkulan bilang bise presidente.

Pinuna rin ni Cynthia ang mga rosaryong ibinibigay ni Binay sa mga tao na may letter ‘B’ na nakasulat dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang kabuuan ng open letter ni Cynthia:

“August 4, 2015

“To Vice-President Binay,

“As early as Grade School, my classmates and I were taught that the Vice-President should always have the President's back for the sake of our nation.

“Kaya nagtataka ako kung bakit mo siya sinisiraan ng marahas. Seems all you do is tell us Filipinos about the supposedly 'palpak' governance of Pnoy - lahat na 'ata ng kapalpakan kasalanan niya pati Yolanda - before segueing to how you will transform the entire Philippine archipelago into a First World country. In six years.

“Ang taong gustong tumulong, taos puso ang pagnanais na makagawa ng pagbabago, ay kayang gawin ang mga pagbabagong ito ng hindi kinakailangang maluklok sa pwesto na palaging may kasamang media for the publicity.

“If you think you’d be incredibly outstanding as Philippine President in 2016, what exactly have you done during your 5 years as VP - apart from relentlessly campaigning for yourself as President in May 2016?

“I sensed your vile agenda a decade or so ago. All those acts of charity, paid for with Makati taxpayers's money, lacked genuineness: you were promoting yourself!

“Every opportunity you can get, you grab it, make sure you make the most of it. All your 'help' in the form of relief goods, rosaries, school supplies, free education, Senior Citizen's birthday cake and free movies, etc.,yes, they are commendable. If only your intentions are pure.

“Every single thing you give to poor people, comes with a gratitude reminder. Those relief bags with your name printed on it - ha! Even the rosary bracelets have your initial “B” printed boldly on the cross. Santissima - sacrilege!

“When the Senate Blue Ribbon Committee invited you to explain your astounding wealth, you refused the invitation - three times. You said you’ve already been judged by the taong bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes. We have judged you - as a pathetic coward! A person who is innocent of graft and plunder charges levelled at him by the Ombudswoman, can't wait to clear his name by telling the truth.

“And can you and your family, please, please stop acting as if the Binay dynasty owns Makati? You did not build Makati, the Zobels did. “Where did all our money go?”perplexed Makati taxpayers silently ask themselves whenever they see the squalid shanties of 'the other Makati.'

“You'll sleep well tonight as always There won't be a conscience to unceasingly haunt you. Because you don't have one.

“Goodnight,

“Pinay Smile

August 4, 2015To Vice-President Binay,As early as Grade School, my classmates and I were taught that the...

Posted by Cynthia Patag on Monday, August 3, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN