Sen. Grace Poe speaks up about claims of being a 'lasenggera', having gone to rehab, hitting her helpers; stresses she is a natural-born Filipino

Sinagot ni Senadora Grace Poe ang mga isyung ipinupukol sa kanya. Aniya, ang mga ito ay pawing paninira lang sa kanya.


Sinagot ni Senator Grace Poe ang mga paninirang ibinabato sa kanya ng detractors niya.

Ilan sa mga akusasyon ay ang pagiging lasenggera diumano niya, pagkakapasok niya diumano sa rehab, pananakit diumano niya ng kasambahay, at pagkuwestiyon sa kanyang nationality.

Ayon sa senadora, ang mga ipinupukol sa kanya ay paninira lamang.

Pahayag ni Senator Grace sa ulat ng GMA News TV nitong Martes, August 4, “Alam niyo po kapag nasa panig ninyo ang katotohanan, hindi naman po ako natatakot diyan.

“Nalulungkot lang ako sapagkat hindi naman po ako nagbubuhat ng kamay sa kanila [kasambahay], kung umiinom man sa party, San Miguel beer or white wine, hindi naman po siguro lasenggo 'yon.

"At hindi po ako nagpa-rehab.

“Importante po ang rehabilitation para maayos ang sitwasyon ng mga naging adik, pero hindi po ako 'yon.”

Hindi rin umano natatakot ang senadora sa petisyong isinampa laban sa kanya sa Senate electoral tribunal upang mapaalis siya sa Senado dahil sa pagkuwestiyon sa kanyang pagka-Pilipino.

Si Rizalito David, dating senatorial candidate na natalo, ang muling umungkat ng isyu sa nasyonalidad ni Senator Grace.

Giit ng senadora, isa siyang natural-born Filipino alinsunod sa mga napagkasunduang prinsipyo sa United Nations.

Buwelta naman niya, “Mas lalo niyong pinapalakas ang loob ko sa paninira ninyo, sapagkat ang nilalabanan ninyo ay hindi na ako kundi ang isang cause, isang advocacy.

“Gusto nilang apihin ang aking estado, pero kung ako’y bumigay, sino’ng mawawalan ng karapatan dito?

"Hindi ba, yung ibang mga batang hindi na matukoy ang mga magulang?

"At sino ang mamamayagpag dito, ang mga taong luma ang estilo ng pulitika?”

Sabi ni Senator Poe, hindi na niya ginamit ang kanyang passport simula noong October 20, 2010, at hindi na siya US citizen nang maupo bilang chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong 2010.

“Nung ako’y mag-renounce bago maging MTRCB chairman, hindi ko na po ginamit ang aking US passport as a dual citizen, at 'yan po ay nakatatak sa aking cancelled passport kung kelan ko po huling ginamit ‘yan, at ‘yan po ay puwede naman talaga naming iprisinta sa tamang korte o sa tamang forum.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idiniin ni Senator Poe na qualified siya na maging senador at tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Hindi pa rin daw siya nakakapagdesisyon kung tatakbo siya ng Pangulo o Pangalawang Pangulo.

Sinabi rin ni Senator Grace na bukas siya sa pakikipag-usap kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, na inaming nililigawan ang senadora upang maging running mate sa 2016 national elections.

Read: Mar Roxas admits to wooing Grace Poe to be his running mate

“Kaibigan ko naman si Secretary Mar and, as a friend, I’m always willing to meet with them,” sabi ni Senator Grace.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN