Willie Revillame surprised by daughter Meryll Soriano's revelation that she has bipolar disorder

Willie Revillame on why he does not want to own a TV network: “Mabigat masyado, e! Mabigat masyado ang TV network. Hindi biro. Una, kailangan mo dito artista. Wala kang makukuhang artista na.”


Ikinagulat ni Willie Revillame ang rebelasyon ng panganay niyang anak na si Meryll Soriano na mayroon siyang bipolar disorder.

Read: Meryll Soriano admits she's bipolar

Saad niya, “Hindi ko nga alam yun, e! Hindi ko alam. Nagulat ako.

“Pero sa kanya na galing yun, e, siyempre...

"Hindi ko pa siya nakakausap about that.

“Hindi ko alam, ngayon ko lang nalaman, nalaman ko pa nga sa interview niya, e.”

Okay naman si Meryll dahil may gamot ito at doktor.

Reaksiyon ni Willie, “E, that’s good! Mag-uusap kami nun para siya na magsasabi sa akin.”

Sa isang hiwalay na panayam kay Meryll, sinabi nitong nais niyang huwag na sanang mag-asawa pang muli ang kanyang ama.

Tila sang-ayon naman dito si Willie.

Aniya, “E, mahirap na kasing mag-asawa sa sitwasyon ko ngayon, e, di ba?

“Tsaka kawawa din yung magiging babae, e.

"Kasi, di ba, parang magiging unfair sa kanya dahil dapat pag nag-asawa ka, talagang reading-ready ka na, e.

"Hindi ako ready, e.

“Tsaka tumatanda ka na, e. Yung bird mo iba na, e!” natatawang biro pa ng 54-year-old TV host.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Willie sa presscon na ibinigay sa kanya ng GMA Network noong Miyerkules, August 5, sa 17th floor ng GMA Network Center.


NEW TIMSELOT. Sa kabilang banda, malaking bagay raw para kay Willie ang nadagdag na 15 minutes sa programa niyang Wowowin.

Maliban dito ay mas napaaga na rin ang timeslot nito.

Simula sa Linggo, August 9, ay mapapanood ang show ni Willie sa GMA Network mula 2 hanggang 3:15 ng hapon.

Pahayag ng TV host-comedian, “Kasi yung saya, yung madidinig mo pa yung mga tao.

“Kasi nae-edit out yung puso, nae-edit out yung saya, e. Kasi kailangan mong putulin.

“Minsan nga nag-e-edit yung staff ko, naiiyak, e! Nanghihinayang sila, e.

“E, konting panahon na lang siguro ito, I’m sure naman maiintindihan ng management yun, I’m sure darating tayo diyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi itinatago ni Willie ang kanyang pagnanais na maging daily show balang-araw ang Wowowin; sa ngayon ay tuwing Linggo lang ito napapanood sa Kapuso network.

BACK-TO BACK. Very promising ang ka-back-to-back program ng Wowowin, ang Sunday PinaSaya, na mapapanood mula alas-dose hanggang alas-dos ng hapon simula sa August.

Masaya raw si Willie dahil dito.

“Sobra! Kasi very refreshing, e, if you’ll notice, ‘no?

“Parang ang feeling ko, extension ng Eat Bulaga! na bago, ‘no?

“Tapos ang Wowowin, imagine, who would ever think na dating magkatapat, ngayon magka-back-to-back, magkakasama na?”

Nasa Sunday PinaSaya kasi sina Jose Manalo at Wally Bayola, at si Alden Richards na newest addition sa Eat Bulaga!.

Sabi pa ni Willie, “Wala lang, siyempre ang mga hari ng noontime, Tito, Vic and Joey.

“Pero pamilya na rin nila ‘yan, e. Kasi ang ano niyan, si Mr. [Tony] Tuviera, yung familya niya, so parang andun na.

“Ako, excited ako dito, iba, iba ang feeling ko kaya ganado ako, e.”

HIS OWN TV NETWORK. Sa dami ng pera niya, hindi ba pumasok sa isip ni Willie na magtayo ng sarili niyang TV Network?

Sagot niya, “Mabigat masyado, e!

“Mabigat masyado ang TV network. Hindi biro.

“Una, kailangan mo dito artista. Wala kang makukuhang artista na.”

Nasa iba-ibang TV stations na raw ang halos lahat ng artista.

Maraming properties si Willie, isa na rito ay ang ipinapatayo niyang five-star hotel sa Tagaytay na sinasabing malapit sa nasasakop ng West Valley Fault.

Pero hindi raw iyon ikinakatakot ni Willie.

“Hindi, e! E, wala, kasama sa buhay ‘yan, e. E, ganun, e.

“At saka hindi ako natatakot sa ganun. E, wala, e.

“E, kunyari hindi naman dumating, hanggang yung age mo, e, buhay ka pa, di sayang naman yung pagkakataon.”

Wala raw siyang pangamba para sa hotel niya sa Tagaytay.

“Okay lang yun, ganun talaga, e,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN