Former GMA weatherman Amado Pineda dies at 77

Pumanaw na ang “original weatherman” ng GMA Network na si Amado Pineda nitong Huwebes, August 6, sa edad na 77.


Sumakabilang-buhay na ang kauna-unahang weather man ng GMA Network na si Amado Pineda.

Siya ay 77 years old.

Nakilala si Amado Pineda bilang “the original weatherman.”

Naging household name siya noong dekada ’70s hanggang ‘80s pagdating sa pag-ulat ng panahon.

Ayon sa ulat ng GMA news program na 24 Oras, cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay ni Pineda.

Pumanaw siya bandang ala-una ng hapon noong Huwebes, August 6, sa St. Camillus Polyclinic, sa Santolan, Pasig City.

Kinumpirma ang pagpanaw ni Pineda ng kanyang anak na si Tintin.

Lahad ng anak ni Pineda, lumakas pa ang pakiramdam ng kanyang ama nitong mga nakaraang linggo.

Nakita pa raw ni Tintin ang kanyang ama na may inaayos na gamit sa kanilang bahay, at nasasama pa nila itong kumain sa labas.

Inoperahan ang iconic weatherman noong March 2015 pagkatapos itong ma-bedridden noong 2014 dahil sa sakit na Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD).

Bumuti naman daw ang kalagayan ni Pineda pagkatapos ng kanyang therapy.

Akala nga ng kanyang pamilya ay na naka-recover na ito nang husto, pero bigla na lang itong inatake sa puso.

Si Pineda ay dating meteorologist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa sobrang sikat noon ng pangalang Amado Pineda ay ginawan siya ng spoof ni Tessie Tomas bilang Amanda Pineda sa hit skit-gag show na Champoy noong ‘80s.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN