Willie Revillame not closing his doors to politics: "Pag-aaralan kong mabuti, pag-iisipan kong mabuti ‘yan."

Hindi raw koneksiyon at utang na loob ang pagbabasehan ni Willie Revillame sa pagpili ng kandidatong susuportahan niya sa 2016 elections. Sabi ni Willie, “Dapat yung ikabubuti ng ating bansa, ikabubuti ng ating mga kababayan, ‘di ba? E, lahat naman mabubuti ‘yan, e. Lahat naman magaganda ang pakay. Kaya sabi ko, lahat ng ito, lahat ng ito, e, pag-aaralan mo.”


Hindi raw isinasara ni Willie Revillame ang kanyang pintuan sa posibilidad na pasukin ang mundo ng pulitika.

Lalo pa nga’t may mga “nanliligaw” raw sa kanyang tumakbo sa 2016 elections.

“Pag-aaralan kong mabuti, pag-iisipan kong mabuti ‘yan.

“Siyempre matagal pa naman ‘yan, Oktubre pa ‘yan, e, titingnan ko.

“Pero pag ito, kapag nag-daily show, hindi ka na pupuwede,” pagtukoy ni Willie sa kanyang weekly program sa GMA Network na Wowowin.

Ano ang puwedeng makakumbinsi sa kanyang pasukin ang pulitika?

Sagot ni Willie, “Mararamdaman mo yun, e.

“You can feel that sa sarili mo, e.

“Walang convincing power yun, ikaw ‘yan.

“Kung nakikita mong… kailangan siguro.

“Kasi una, ayoko yung… ako, personal ko lang, huwag naman akong mamasamain, nalulungkot ako pag nakikita kong nag-aaway-away sa Senado.

“Binoto kayo ng mga tao, tapos ‘yan ang mapapanood namin sa TV, nag-aaway-away kayo?

“Kaya binoto tayo dito para ano, ikauunlad ng ating mga kababayan.

“Parang iyon ang feeling ko.

“Mag-usap-usap tayo dito na ano ikagaganda ng buhay ng ating mga kababayan.

“E, hindi, e, nag-aaway, nagdedemandahan... ang hirap, ‘di ba?”


GRACE AND MAR. Napapabalitang tatakbo sa pagka-Pangulo sa 2016 sina DILG Secretary Mar Roxas at Senator Grace Poe.

Kung si Mar ay nagdeklara na ng kanyang kandidatura, si Grace naman ay hindi pa nakakapagdesisyon.

Kaibigan pareho ni Willie si Senator Grace at si Korina Sanchez, na misis ni Mar.

Hindi ba siya naiipit sa dalawa?

Ayon sa TV host, “Hindi, kasi hindi ko pa naman alam ang sitwasyon ni Senator Grace, e, so wala pa naman.”

Kung sakaling magdesisyon si Senator Grace na tumakbo bilang Pangulo, sino ang susuportahan niya?

“E, yun nga, pag-aaralan mong mabuti yun. Hindi naman basta-basta yun, e.

“’Tsaka aalamin mo.

“Kasi si Secretary Mar, mayaman na ‘yan, hindi na kailangang magnakaw niyan. Well, feeling ko, hindi ba?

“Isipin mo, hindi naman mag-iisip nang ganun 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tsaka galing sa political family talaga, politician talaga sila.

“So, maganda naman yung ipinakita niya siguro sa DILG.

“I would say wala naman akong nakitang ano, kasi may mga sinasabi, iyon ang feeling ko sa sarili ko.”

MUDSLINGING. Patuloy ni Willie, “E, lahat naman ‘yan, may kabutihan sa lahat.

“E, siyempre, ang nagtataka nga lang din ako, bakit pagdating ng pulitika tsaka nagsisiraan.

“But during the time ng ano, wala namang siraan.

“Pag malapit na, magkakandidato na, magbobotohan na, siraan na nang siraan. Iyon ang masakit.”

Handa ba siyang maipit sa mga tatakbong mga kaibigan niya?

Sagot ni Willie, “Hindi, handa ako sa lahat kasi kung meron akong susuportahan, paninindigan ko na yun. Siyempre sumuporta ka na, e.”

Kahit may magtampo?

“Wala, e, iyon ang paniniwala ko, e.”

Hindi koneksiyon at utang na loob ang pagbabasehan niya sa pagpili ng kandidatong susuportahan niya?

Sagot ni Willie, “Dapat yung ikabubuti ng ating bansa, ikabubuti ng ating mga kababayan, ‘di ba?

“E, lahat naman mabubuti ‘yan, e. Lahat naman magaganda ang pakay.

“Kaya sabi ko, lahat ng ito, lahat ng ito, e, pag-aaralan mo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN